Hayden, sumabak din sa rampahan

Doctor Hayden Kho

Rumampa rin sa Paris Fashion Show si Doctor Hayden Kho at sila ni Pia Wurtzbach ang nag-close ng fashion show ni Michael Cinco. Dahil galing sa pagiging model, bago pa naging full-fledged doctor, parang cool na rumampa sa runway ang mister ni Dra. Vicki Belo.

Sabi ni Hayden, “Doctor by day, runway by night!” at kinongratulate nito si Michael Cinco for a successful show.

May nagtanong lang kung siya ba ang first male Filipino na rumampa sa runway? Kung siya nga, sana raw walang kumontra.

Ang daming nag-congratulate sa kanya sa pag­rampa niyang ito at sana raw, masundan pa.

Peanut nina Luis at Jessy pumapasok na, netizens nakialam

Hindi talaga nawawala ang mga comment na dapat hindi minamadali ng mga magulang na ipasok sa school ang kanilang mga anak. Nabasa namin uli ito nang i-post ni Jessy Mendiola ang first day ni Peanut (ang panganay nila ni Luis Manzano) sa play school.

Marami ang positive ang comments, pero may mababasang “school na agad.”

Play school pa lang naman pinapasukan ni Peanut at sa photo nga, makikita siyang nagpi-paint. Wala pa namang hard subjects ang bagets at hindi pa siya bibigyan ng home assignment ng kanyang teacher.

Kung sina Jessy at Luis, relax lang sa pagpasok niya sa play school, mas affected pa ang ibang netizens.

Mabuti at wala pang nagre-react nang dalhin ni Jessy si Peanut sa ABS-CBN para bisitahin si Luis sa set ng hino-host na game show na Rainbow Rumble. Si Luis nga natuwa sa pagbisita ng kanyang mag-ina, mas may hanash pa ang ibang netizens.

Sam Verzosa, nagbenta ng luxury cars

Worth P200M ang 10 luxury cars  na ipapa-auction ng TV host na si Sam Verzosa, part sila ng kanyang collection para sa construction ng Dialysis and Diagnostic Center sa Sampaloc, Manila.

Under his SV Driven to Heal charity event, ipinakita niya ang gwapong cars for auction. Mabilis mabibili ang mga nasabing sasakyan dahil well-maintained at parang mga bago.

Mamimili na lang ang car enthusiasts kung ang Bentley, Ferrari, Mclaren, Maserati, Audi, BMW, Rolls Royce, at Lamborghini ang kanilang kukunin. Mapapa-wow ka sa ganda ng cars na ang iba, sa pelikula, at TV lang namin nakikita. First time namin makakita ng Mclaren at talaga palang maganda siya.

Kailangan ni Sam ng milyones para sa construction ng Dialysis and Diagnostics Center at may blueprint na ang building at nagka-groundbreaking na.

Present ang girlfriend ni Sam na si Rhian Ramos sa blessings ng mga car at sa auction mismo. Bagay kay Rhian ang mga nasabing cars, pero kahit siya, naniniwalang tama ang ginawa ng boyfriend.

Show comments