^

PSN Showbiz

PBB Gen 11, nagtala ng panibagong all-time online viewership record

Pilipino Star Ngayon
PBB Gen 11, nagtala ng panibagong all-time online viewership record
Sa nasabing episode natunghayan ang pagbabalik ni Jas sa outside world matapos lamang makakuha ng 23.44% votes to save, kumpara kina Kolette na may 40.42% habang si JM ay nakakalap ng 36.14%. 

Panibagong all-time online viewership record ang naitala ng Pinoy Big Brother Gen 11 matapos tumabo ng mahigit 522,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube ang eighth eviction episode nito noong Sabado (Setyembre 21). 

Sa nasabing episode natunghayan ang pagbabalik ni Jas sa outside world matapos lamang makakuha ng 23.44% votes to save, kumpara kina Kolette na may 40.42% habang si JM ay nakakalap ng 36.14%. 

Ngayong linggo naman masusubok ang pagkakaibigan ng mga Housemate nang atasan sila ni Kuya na magpares silang pinakamalapit sa isa’t isa at harapin ang kanilang trick shot weekly task. Haharap ang magpares na Housemates na mapagtagumpayan ang kanilang mapipiling trick shot challenge sa loob ng walong oras. 

Kapalit nito ay P10,000 kapag napagtagumpayan nila ang task, subalit isa lang sa magpares ang mag-uuwi nito para sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Samantala, nanganib namang mapalabas sa bahay sina Fyang, Jarren, at Kai noong Sabado (Setyembre 28) kung saan evicted si Jarren. Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Abangan ang latest updates sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC. 
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 p.m. sa TV5.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with