Marian, nagpasalamat sa kanyang ‘rock’

Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nagpasalamat si Marian Rivera sa mister na si Dingdong Dantes sa pagsama nito sa kanya sa Milan Fashion Week (Italy) kung saan nga dumalo si Marian para sa kanyang ini-endorse na make-up brand na made in Italy.

Makikita sa mga larawan at video na laging nasa tabi o likuran niya si Dingdong.

“Thank you for always being my rock. Your support means the world to me, and I’m so grateful to have you by my side,” buong caption ni Marian sa kanilang photo na magkasama.

Sinagot naman ito ni Dingdong ng “love you.”

Sa kanyang Reel video rin ay ipinakita ni Marian ang mga dinaluhang fashion show sa Milan kung saan nasa front row siya at nasa second row ang mister. Ibang level nga ‘pag nasa front row show ka at official ang invitation mo.

Show comments