Yassi, nagparamdam sa ginawa ni Nadine!

Nadine Lustre.
STAR/ File

Inintriga ng netizens ang mahabang post ng aktres na si Yassi Pressman at naikonek sa intrigang pag-unfollow sa kanya ni Nadine Lustre.

Ipinost ng actress ang mga litrato nila ng karelasyong pulitiko na si Camarines Sur Go­vernor Luigi Villafuerte sa kanilang bakasyon sa Bhutan.

Sinabi niya na nakatapos daw sila ng libro, nakapag-hike at na-enjoy ang mga pagkain sa lugar.

Pero sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi niyang “ps: don’t forget to smile....and be kind! to yourself and others, okay?” na hindi pinalagpas ng netizens.

Tila sagot daw ito kay Nadine sa pag-unfollow nito sa kanya.

Ba’t daw bigla itong napa-long post na tila dahil sa issue kung saan in-unfollow siya nito pati na ang ex nitong si James Reid at kapatid niyang si Issa.

Ginantihan din niya diumano ito at in-unfollow rin.

Mukhang nagka-anxiety na naman daw ito na inokray ng netizens dahil maaaalalang sinabi niya kay Nadine noon na nagka-anxiety siya sa mga tao, na ang tinutukoy ay ang bashers. Nag-sorry pa nga raw si Nadine noon sa kanya.

Kaya naman hindi rin siya tinatantanan ng bashers ngayon at pati nga ang litrato nila sa bakasyon ay pinuna ng mga ito dahil mukha raw itong patay na patay sa karelasyong pulitiko.

‘Kaloka. Issue talaga sila ‘di ba.

Well, malapit na ang election at baka naman type rin ni Yassi na mag-pulitika?

Hahaha. Wa akong sagot diyan noh.

Bongga.

Panonood ng TV, mas bongga pa rin

‘Kaloka pala ‘pag buong araw kang nakababad sa TV.

Magtataka ka kung bakit ang daming live audience ng It’s Showtime. Iyon bang magpunta sa studio para manood ha. Hitsura ng traffic, hirap sumakay talagang nandu’n sila para manood.

At gusto ko ‘yung charms ni Kim Chiu sa TV ha. Very cute ang dating niya.

Nagagandahan din ako kay Karylle kahit parang tumaba ng konti. Sana nga magkaroon na rin siya ng baby.

Nakakatuwa din manood ng Showtime kahit wala si Vice Ganda dahil maganda ang comedy nina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Kaya naman kahit na nga buong araw nauubos talaga ang oras ko sa watching ng local shows ok lang. Kahit nga sabi nila Netflix na ang gusto ng mga bagets, meron pa rin namang gusto ang TV.

Show comments