^

PSN Showbiz

Aktor na pahada at sikat na direk, nagtikiman sa cruise!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi itinatanggi ng kilalang direktor na nagkatikiman sila ng isang aktor na open naman sa ideyang magpahada kung type niya.

Hindi rin niya itinanggi na nagkaroon siya ng relasyon noon sa isang bading na taga-showbiz, pero ngayon ay wala na sila.

Nasa cruise kasi ang shooting at ilang araw silang nagpalaot na kung saan doon kinunan ang ilang eksena.

Sa breaktime ng shooting, siyempre coffee break na rin. Pero iba ang kinain nila sa oras na ‘yun.

Nag-enjoy si direk sa magandang serbisyo ni aktor.

Hanggang dun na lang muna, at baka magkabukingan pa!

FDCP chair, nagpaliwanag sa docu ni Leni

Marami sa mga taga-movie industry ang nagtaka kung bakit ang documentary film na And So It Begins ang napiling entry ng ating bansa sa 97th Oscar awards.

Taun-taon ay nagsusumite tayo ng pelikula para maging entry sa kategoryang Best International Feature Film.

Ang dinig namin, tatlong pelikula ang pinagpi­lian. Ang isa ay kasali sa Metro Manila Film Festival last year, at ang isa naman ay sa Cinemalaya 20. Pero itong documentary na And So It Begins ni Ramona S. Diaz ang napili.

Sabi ni direk Joey Reyes na Chairman ng Film Development Council of the Philippines, hindi raw siya ang isa sa namili ng isasali sa Oscars. Pero may paliwanag siya kung bakit itong documentary film ang napagpasiyahang isali.

“Actually, I didn’t have a vote. Because as chairman, I only vote if there’s a time,” pahayag ni direk Joey sa closing ng Philippine Industry Month na ginanap sa Seda Hotel nung nakaraang linggo.

“It was a choice between two films, and they decided to choose And So It Begins because the two films are of equal value but they felt that And So It Begins has a greater chance of making it to the Oscars, because of three big reasons. One is, the familiarity of the director with the AMPAS, with the Academy.

“Secondly, the familiarity of the director in an international market because Ramona is known in the US.

“And then thirdly… we all agreed… last year, we sent an animation [Iti Mapukpukaw]. This year, let’s send a documentary,” dagdag  niyang pahayag.

Curious kami kung ihihingi ba nila ito ng tulong sa gobyerno para mai-promote ang pelikula sa Hollywood?

Ang dating Vice President Leni Robredo ang bida sa documentary film na ito at may pitik sa kasalukuyang gobyerno.

Ani Direk Joey, “FDCP is committed to help, OK, this film. And the government has no response negative about the choice of this film.

“So I think that’s a good sign that despite the nature of the film — and the context of the film — we are still living in a democracy.”

Kung animated film ang isinali nung nakaraang taon, susubukan ngayon sa documentary film. May tsansa kaya itong mapasok sa shortlist man lang?

“We’ll see. Well, God knows. It’s all chance, it’s all marketing. The Oscar race is not necessarily based on just the quality of the film you sent, but also the strategy that you do for you to be noticed, hindi ba?

“Maybe our advantage with this film is that it was produced by the public broadcasting service. So, may network na iyon doon, OK.

“So sinabi namin, it will not require that much of Philippine pesos to be invested to promote the film,” dagdag na pahayag ni direk Joey Reyes ng FDCP.

CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with