^

PSN Showbiz

KZ, may ginawa para sa mga tinotopak

Pilipino Star Ngayon
KZ, may ginawa para sa mga tinotopak
KZ Tandingan.
STAR/ File

Toyo ang titulo ng comeback single ni KZ Tandingan na tungkol sa damdamin ng taong ‘di mapigilang mahulog muli sa taong inakala’y nakalimutan na.

Si KZ mismo ang sumulat at nagprodyus ng itinuturing niyang experimental track na alay niya para sa mga nalilito, nananatiling in denial, at tinotopak dahil nagre-relapse.

“So itong ‘Toyo’ tungkol sa isang tao na nagta-try nang mag move-on. And then one day, itong taong ito nakatanggap siya ng tawag mula sa taong tina-try niyang kalimutan. Ang tanong ngayon, bibigay ba siya?” ani KZ.

Ang operations at creative head ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo ang nagsilbing supervising producer habang si Tim Recla naman ang nag-mix at master ng kanta na inilunsad sa ilalim ng Star Music.

Pormal na ipinakilala ni KZ ang awitin sa isang launch party noong Huwebes (Sep. 26) sa Takeover Lounge sa Quezon City kung saan nag-perform din ang mga bisitang sina Bryan Chong, Jel Rey, FANA, Jem Macatuno, MC Einstein, at Angela Ken.

Sinusundan ng Toyo ang 2023 single ng Kapamilya singer-songwriter na Dito Ka Lang at ang kanyang latest collaboration sa kanyang asawang si TJ Monterde na Palagi.

Napapakinggan na ang Toyo single ni KZ sa iba’t ibang strea­ming platforms.

vuukle comment

KZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with