Heart, nagamit ang pagiging singer sa Paris Fashion Week

Heart Evangelista

Nostalgic ang naging epekto ng paggamit ni Heart Evangelista ng kanyang old song na may pamagat na One.

Aniya nga, 19 years old lang siya nang kantahin niya ito na binuhay niya ngayon sa kanyang Reel video nang rumampa sa @loewe sa Paris Fashion Week. “19 years old me singing “ONE” indeed “dreams do come true” Kikay Missy has been having fun at #pfw #parisfashionweek (full circle moment ) thank you for having me @loewe,” caption niya sa post na saktong theme song ng kanyang buhay sa kasalukuyan. Pahabol niya “(yes , I was a singer once upon a time)”

Sa mga hindi nakakaalam, ang fashion icon ay minsang naging video jockey para sa music channel na MYX, noong early 2000s.

At ito nga nagagamit niya ngayon sa kanyang mga pagrampa sa PFW kung saan nakahanay siya sa international celebrities na dumadalo sa nasabing sikat na fashion event sa Europe. Na ‘pag ginawa niyang Reel ay OPM song ang background na nagpapataas pa ng engagement sa kanyang social media pages.

Anyway, sa isang mini vlog ay sinabi niyang 19 shows ang dadaluhan niya sa Paris.  “So for this season I have 19 shows and I have 34 pairs of shoes. You never know. You always have to be ready. So I have to be prepared for whatever outfits are thrown at me.”

 Sa isang post naman ng Dior ay kahanay nga niya ang mga bigating celeb “Attending the #DiorSS25 show held at Paris’s Musée Rodin, Dior ambassador @Rossellina91 and House friends @Jennifer.Garner, @AshleyParkLady, @IamHeartE and @KellyRutherford all came together to experience the unveiling of the eagerly awaited new collection by @MariaGraziaChiuri. © @Pierre_Mouton.”

At ang bongga kay Heart, nako-convert niya sa sales ang mga inirarampa niya. Nag-shoot nga raw siya ng isang endorsement na ‘di niya sinabi dahil napa-sold-out niya ito.

Show comments