Sen. Chavit Singson na ang tawag kay dating Ilocos Sur governor nang dumalo ito sa nakaraang birthday celebration ni Sen. Bong Revilla.
Usap-usapan na nga ang balak nito sa darating na 2025 midterm elections. Kaya maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit very visible siya sa showbiz functions.
Matutuloy na rin ang matagal na niyang balak pasukin and film production.
Nakipag-collaborate na si Manong Chavit sa GMA Pictures at nagustuhan niya ang ipinitch sa kanya na isang comedy film na pagbibidahan nina Sanya Lopez at David Licauco, kasama ang maraming komedyante. Si Direk Benedict Mique ang nagsulat at magdidirek ng pelikulang ito. “Exciting kasi, first meeting pa lang namin nakakatuwa na e,” pakli ni direk Benedict Mique.
Nakatsikahan din namin si Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA 7 at tuloy na nga raw itong una nilang collaboration na Barkadahan ng mga Makasalanan. “Matagal na kasi ‘yan, nagkasama kami sa isang event. Kasama ko ang Daddy ko (Atty. Felipe Gozon), tapos nandun si Gov. Chavit, tapos nag-usap sila. Sabi niya sa Daddy ko, o gumawa tayo, gusto mag-produce ng movie. Sabi ng Daddy ko, ‘ayan,’ pinasa sa akin. So, ako raw kumausap. So, ayun nga siguro mga after one year, meron akong pinitch sa kanya na mga concept. Meron siyang super na nagustuhan niyang isang concept. Ito ‘yung Barkadahan ng Mga Makasalanan. Basta ano siya, it’s a feel-good heartwarming movie,” saad ni Atty. Annette.
Gusto na nga raw ni Manong Chavit na tuluy-tuloy ang paggawa ng pelikula, at isa na rito ay isang malaking pelikulang pagsasamahan daw nina Dingdong Dantes at Alden Richards.
Pinaplano pa lamang daw ito, sabi ni Atty. Annette. Gusto raw kasi nilang gawin itong international film na kung saan ay may kukunin daw silang Korean actors.
Sa lahat na mga project na collab ni Manong Chavit sa GMA Pictures ay pangangasiwaan ng entrepreneur at philanthropist na si Pinky Tobiano na malapit sa dating Ilocos governor.
Geraldine Jennings, mina-manifest ang collab kina Darren at Sarah
Nakatsikahan pala namin si Ms. Flor Santos, ang ina ni LA Santos sa nakaraang Thrive benefit concert ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna. Sabi niya, meron daw silang binubuo na isa pang film project na pagbibidahan uli ng anak niyang si LA.
Kaya tuluy-tuloy na ang paggawa nila ng magagandang pelikula kagaya nung In His Mother’s Eyes at Maple Leaf Dreams.
Ngayon ay gusto na ring magbakasakali ng isang mayamang negosyante from London na si Gina Jennings para mabigyan ng break ang anak niyang singer-actress na si Geraldine Jennings.
Ilulunsad si Geraldine sa pelikulang prinodyus nila sa tulong ng namayapang talent manager na si Leo Dominguez.
Ito ‘yung Isla Babuyan na inaayos na raw nila ang playdate sa mga sinehan. Pero bago ‘yan ay inilunsad na rin ng Star Music ang first single niyang If I Will Ever Love Again na sinulat ni Ogie Alcasid para sa kanya.
Nag-aaral pa si Geraldine sa London, pero very flexible naman daw ang schedule niya. Kaya makapag-focus siya ng kanyang showbiz career dito sa Pilipinas.
Marami-rami na ring mga kilalang artists ang nakilala ni Geraldine, pero ang na-curious siya ay ang magaling na aktor na si Anthony Jennings.
Magka-apelyido raw kasi sila at nalaman niyang half-British din ito.
Feeling niya hindi naman sila blood related, pero natuwa lang daw siya na meron nang Jennings dito sa showbiz. Gusto raw sana niyang makatrabaho si Anthony Jennings.
“For acting, I would like to work with Anthony Jennings kasi parehas yung last name namin. So, it would really nice to play as brother or something like that. Hindi kami related. Half-British siya, half-British din ako.
“I heard about him, kasi siyempre Jennings is my last name. Siyempre I noticed, merong Jennings sa showbiz, which is nice,” saad ni Geraldine Jennings sa nakaraang media launch ng first single niyang If I Will Ever Love Again.
Pagdating sa singing ay dream daw sana niyang maka-collab si Sarah Geronimo. Pero sobrang na-impress daw siya kay Darren nang napanood niya sa ASAP Natin ‘To na ginawa sa Ontario, California. “I was really impressed with Darren Espanto. He was really good. I was really impressed by his performance.
“I think it would really nice to be able to collaborate songs with him. He was really great,” sabi pa ni Geraldine Jennings.