Basta lumayas sa management team...Aljur, hindi nagparamdam nung namatay ang manager

Aljur Abrenica

Hindi man lang pala nagpakita o nagparamdam si Aljur Abrenica nung namatay ang manager niyang si Leo Dominguez.

Pumanaw ang talent manager ng actor ng ilang taon last May.

At ang LVD Management Corporation ang nag-handle ng career ni Aljur pagkatapos niyang magka-problema sa GMA 7 na umabot pa sa demandahan.

Tho expired na raw ang contract nito with LVD.

Pero wala man lang daw itong ‘dignity’ na magpaalam formally kahit sa mga nagma-manage ngayon ng LVD sa kasalukuyan.

Nauna nang sinabi ni Aljur na may bagong management team na siya pero hindi niya pa sinabi kung sino ‘yun during the Zoom presscon ng digital series na West Philippine Sea.

Na by the way ay kasama niya sa nasabing proyekto ang girlfriend na si AJ Raval na produced ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) headed by Dr. Mike Aragon na unang mapapanood at mapapakinggan sa DZRH radio / TV.

At dun nga na-mention ni Aljur na proud siya sa naging decision ni AJ na hindi na bumalik sa paggawa ng sexy films.

“Kasi, ako naman kasi, lagi lang akong nakasuporta sa mga kaibigan ko, sa mga taong mahal ko sa gusto nilang gawin. Pero para sa desisyon na ‘yun, I’m happy, I’m proud of her,” sey ni Aljur.

Show comments