^

PSN Showbiz

Kim, emosyonal sa Seoul

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, emosyonal sa Seoul
Kim Chiu

Nakakatuwa naman ang sunud-sunod na achievement ni Kim Chiu.

Kaya naman emosyonal siya nang tanggapin ang Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards 2024 (SDA).

Lumipad pa siya sa bayan ng mga oppa, Seoul, South Korea upang tanggapin ang award kasabay ang iba pang aktor mula sa ibang Asian countries.

Sa lumabas na video, binanggit ni Kim sa kanyang acceptance speech na pinasalamatan niya ang ABS-CBN,  Star Magic boss Laurenti Dyogi na kasama niya sa Seoul, at ang grupo ng Linlang.

Nanalo siya ng award dahil sa Linlang ng Dreamscape Entertainment.

Pero hindi niya napigilang umiyak nang banggitin na ang pangalan ni Deo Endrinal na talaga namang nagbigay sa kanya ng magandang mga exposure para mara­ting niya ang career sa kasalukuyan.

Kaya naman inalay niya ang nasabing award sa namayapang boss ng ABS-CBN. “Sir Deo, I want to honor this award with you. I wouldn’t be standing here tonight without your trust and guidance and the opportunities you gave me,” banggit pa ni Kim sa pumanaw na executive.

Dream come true raw kay Kim ang i-represent ang ABS-CBN at ang Pilipinas.

Bongga si Kim. Love ko siya talaga dahil parang ang bait niyang tao kahit hindi pa kami magkakilala ng personal.

MAKA, inabangan!

Bongga. Gen Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula ng latest youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na MAKA nitong Sabado, September 21.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa programa kaya nakapagtala ito ng 6.6 percent batay sa preliminary/overnight data ng NUTAM.

Sa pag-uumpisa ng serye, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts a.k.a. MAKA na nanganganib nang ipasara ang kanilang eskwelahan. Para manatili itong bukas, kailangan nilang manalo sa upcoming Regional Drama School Competition.

Tanggapin kaya ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V (Romnick Sarmenta) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?

Ang MAKA ay pinagbibidahan rin nina Sparkle stars Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa a.k.a. Bangus Girl. Mapapanood din sa programa ang That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, pati na rin si veteran actress Carmen Soriano.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with