^

PSN Showbiz

Bong maingat, nasa recovery stage pa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bong maingat, nasa recovery stage pa!
Bong Revilla

Simple at intimate lang ang selebrasyon ng 58th birthday ni Sen. Bong Revilla noong Miyerkules na ginanap sa Cork Elite sa BGC, Taguig.

Nandun ang pamilya niya, mga kapatid, mga anak at apo, at ilang mga malalapit na kaibigan at katrabaho sa GMA 7, kabilang ang buong cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.

Si Cong. Lani ang kasama ni Sen. Bong sa pag-istima sa mga dumating na bisita, at sabi nga namin na patanda nang patanda na pero pabagets naman ang itsura ng asawa.

“Siyempre proud ako na marami pa rin ang naga-admire sa asawa ko, kahit two years na lang senior na siya. Pero okay lang yan, ang importante he’s taking care of himself,”  saad ni Cong. Lani.

Nasa recovery stage pa rin si Sen. Bong, pagtapos na inoperahan ang Achilles tendon niya. Kaya maingat pa rin daw siya.

Hindi muna niya magagawa ang pelikula, pero puwede na raw siyang mag-start sa season 3 ng Walang Matigas na Pulis...

“We’re not getting any younger. Pero at least bawat galaw ay talagang maingat na maingat tayo. Especially na naka-recover na ako sa operation,” pakli ni Sen. Bong.

Ipinarating namin kay Sen. Bong ang paghahanda sa 50th Metro Manila Film Festival, at nagsimula na  nung araw na iyun ang Sine Sigla sa Singkuwenta na kung saan 50 na pelikula ang mapapanood sa mga sinehan sa halagang 50 pesos lamang.

Ipalalabas ang pelikula niyang Ang Panday na nag-topgrosser nung MMFF kaya excited siya at nakiusap na sana suportahan ito ng mga manonood.

“Suportahan po natin yung pelikulang Pilipino para mabuhay muli at ibalik natin ang sigla. Sayang at hindi ako nakasali ngayon sa MMFF,” sabi pa ni Sen. Bong.

Niño, nagulat din sa pagdating ng nanay ni Sandro

Kabilang sa cast ng Walang Matigas na Pulis…ang du­malo roon sa birthday party ni Sen. Bong ay si Niño Muhlach.

Sinabi niya sa aming pati siya ay nagulat sa pagdating ng ina ni Sandro na si Edith Millare galing Amerika.

Birthday daw iyun ng Mommy ni Sandro, at siyempre tuwang-tuwa ang kanyang anak. “Ako nga, pati ako na-surprise e. Ang alam kasi niya sa Las Vegas yung Mommy niya e. Dun dapat magbi-birthday yung Mommy niya. Tapos biglang umuwi,” pakli ni Niño.

Sampung araw lang daw dito ang Mommy ni Sandro kaya gusto niyang magkasama muna sila.

Nagsisimula na raw na lumalabas si Sandro, pero hindi pa raw ito handang bumalik sa trabaho. Nagpasabi naman daw ang Sparkle na kung handa na ito, susuportahan naman daw nila.

“Ang plano sa kanya ng Sparkle, bibigyan ng sarili niyang tent, tapos sasabihan ang buong production na bawal siyang kausapin tungkol dun sa nangyari, ganun. Pero he’s not ready yet e.

“Pero sabi ko nga sa kanya, the only way to go back to normalcy is yun nga, sana nga magkaroon na siya ng lakas ng loob na mag-work ulit,” saad pa ni Niño.

Nandiyan lang daw siya para gabayan ang anak niya at sana makalimutan na raw itong mapait na karanasang ito.

“Meron kaming company. Puwede naman siyang mag-negosyo. Pero kung gusto niya, full support pa rin talaga ako sa kanya.

“Siyempre kahit paano, magkaroon na yan ng lamat sa kanya no? Pero, in God’s time, alam ko, sana makabalik talaga siya sa tulad nung dati, in God’s time.

“Alam ko namang darating ang araw na yun. Sana sooner,” dagdag na pahayag ni Niño Muhlach.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with