^

PSN Showbiz

Jodi, gusto pang mag-explore!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, gusto pang mag-explore!
Jodi Sta. Maria
STAR/File

Hindi naging madali para kay Jodi Sta. Maria ang gina­gampanang karakter sa Lavender Fields. Nagsimula ang istorya ng serye sa kwento ni Jasmin Flores na karakter ng aktres. Ngayon ay napapanood na si Jodi bilang si Lavender Fields at kaabang-abang ang bawat eksena sa pinag-uusapang serye. “It’s like you’re watching a series na hindi ikaw ‘yung nag-play na actor. I don’t really watch my playback kasi naiilang ako. Kasi parang pieces of a puzzle ‘yan eh. Kasi ‘pag sinu-shoot namin ‘yan hindi naman namin ginagawa ‘yan chronologically. Hindi biro ‘yung pinagdaanan ng lahat sa shooting. Napakahabang proseso, napakahabang development. Maraming nangyayari na lingid sa kaalaman ng nakakarami. I just really pray na maka-glean din sila ng important life lessons sa ginawa namin,” paglalahad ni Jodi.

Maraming teleserye na ang nagawa ng aktres sa nakalipas na 25 taon. Para kay Jodi ay talagang kakaiba sa lahat ng kanyang proyekto ang tema ng ginagawa ngayon. “In terms of genre, isa siya sa hindi ko pa talaga nagagawa. So parang gusto ko lang din siya i-explore at tingnan din kung anong mangyayari kapag ginawa ko siya. It’s an action drama. Before kasi ang ginagawa ko ay ‘yung family drama and nakapag-romcom na ako, horror. ‘Yung classification niya is revenge. It’s really a complex tale. There’s love involved. There’s duality here. Then ang pinaka-importante is ‘yung redemption aspect. Hindi mo naman papangarapin lang na maghiganti. Sometimes ‘yung paghihiganti mo hindi naman para makasakit ka talaga ng tao. Gusto mo lang kunin ‘yung para sa ‘yo,” pagdedetalye ng niya.

Masayang-masaya si Jodi dahil bukod sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5 ay patuloy pa ring nasa Top 10 TV series ng Netflix ang Lavender Fields. Umaasa ang aktres na mas marami pang makakapanood sa kanilang serye. “As I would always say, it takes a village to produce something great. So this is a collaboration ng napakaraming talento, napakaraming utak and we’re just so proud and happy,” pagtatapos ng aktres.

Martin, dumaan din sa talent search

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ni Martin Nievera ang kanyang ika-apatnapu’t dalawang anibersaryo sa industriya. Masa­yang inalala ng kinikilalang Concert King kung paano siya nagsimula mahigit apat na dekada na ang nakalipas. Isang wrestling coach umano ang nakadiskubre sa talento ni Martin noon habang kumakanta ng Feelings ni Morris Albert sa isang locker room. “That’s where I was discovered, in the locker room after a basketball game. Hindi ako naglaro, so kunyari naglaro ako. So ang tagal ko sa shower. Habang no’ng nagsa-shower, nag-e-enjoy ako sa reverb echo. May dumaan, isang lalaki, wrestling coach, nakikinig siya sa akin. Sabi niya sa akin, ‘Hey! I want you to audition tomorrow for the choir,’ I joined the choir, for Barry Manilow,” nakangiting kwento sa amin ni Martin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Taong 1981 naman nang sumali si Martin sa isang talent search sa California kung saan ay nanalo ang singer mula sa libu-libong contestants. Matatandaang magaling din na singer ang ama ni Martin na si Bert Nievera. “Back in the day, Boy, that was big. Ako lang ‘yung isang Pinoy diyan na kumakanta. Wala pa ‘yung mga musical reality shows. And that’s when I knew, this is what I want to do. I want to follow my father’s footsteps. So sabi ko sa daddy at mommy ko, ‘Please, samahan mo ako sa Philippines para I can live my dream,’ And that’s what I’ve been doing for 42 years,” dagdag pa ng Concert King.

Bilang pagdiriwang ay gaganapin bukas sa Smart Araneta Coliseum ang The King 4Ever anniversary concert ni Martin. Magiging espesyal na panauhin ng Concert King sina Pops Fernandez, The Company at Ogie Alcasid. “Mag-expect sila ng nostalgia. Babalik tayo sa dati, sa mga songs ko, all the songs I’ve done in the last 42 years. Hindi naman sa lahat na mga songs, but sana the songs I hope that they’ve been waiting to hear,” pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with