^

PSN Showbiz

Bong, loyalista!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, loyalista!
Bong Revilla
STAR/File

Birthday kahapon ni Bong Revilla. Isa sa pinakamahal ko at taong ilalaban ko kahit kanino si Bong.

Bukal sa puso ang kabaitan niya. Totoo ang pagmamahal niya. Kung anuman ang ipakita niya sa tao o kaibigan, totoong siya iyon.

Hindi ko pinanghinayangan na noong nakakulong siya sa Crame halos araw-araw akong dumalaw. Worth it ang bawat segundo na ibibigay mo sa kanya.

He is the most loyal loving person na kilala ko, and I will stand for that. Kahit ano pa, at kahit sino, basta para sa akin the best person I have met in this life is Bong Revilla.

I am very grateful that God gave me a chance to know him. It was a blessing, thank God.

Happy Birthday, Bong Revilla, you are a precious gem in my life.

Max at Pancho, nagkabalikan nga ba?

Naintriga ang mga tagahanga at netizen na tila nagkabalikan na raw ang dating mag-asawang Max Collins at Pancho Magno.

Naging usap-usapan ang pagiging sweet ng mga magulang ni Skye sa social media.

Kasalukuyang rumarampa ang aktres sa Milan Fashion Week kaya makikita ang sunud-sunod na post niya sa mga kaganapan sa Italy.

Makikita rin ang mga rampa at mga pagkain sa kanyang mga post. Pero isa sa napansin ng netizens ang napapadalas na pagkomento ng ex ni Max na si Pancho.

Nagkokomento ito ng mga emoji sa mga post ni Max at sa isang post nito ay nagkomento siya ng pizza emoji kung saan mas kinilig ang netizens nang sumagot si Max ng “I’ll bring you back some.”

Habang sa post naman ng aktor kung saan magkasama sila ng anak na si Skye ay nagkomento si Max ng “My cuties” na kinagulat ng mga tagahanga nila.

Napatanong ang mga ito kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa.

Maaalalang sinabi ni Max sa programang Fast Talk with Boy Abunda na nanatili silang magkaibigan ng ex. Healthy raw ang relasyon nila na co-parenting sa anak.

Kaya naman napuri sila ng netizens na kung sakali mang nagkabalikan ang dalawa ay tahimik nilang tinapos noon ang relasyon at tahimik din nilang inayos kung totoo mang sila na ulit. Bongga kung ganun.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with