^

PSN Showbiz

Born to win docu ng BINI, mapapanood nang libre

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Born to win docu ng BINI, mapapanood nang libre

Mapapanood nang libre ang inaabangang docuseries ng BINI sa iWantTFC simula Setyembre 26 (Huwebes)—tampok ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation’s Girl Group sa first chapter nitong Born to Win.

Ipinrodyus katuwang ang ABS-CBN News at Star Magic, iikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid ding exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na BINIverse.

Sa ika-una nitong chapter na Born to Win, mas makikilala ng mga manonood ang mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bago ang kanilang BINI days.

Dito rin ipapakita ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang kanilang pinapangarap na makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya bilang Nation’s Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na Born to Win, Na Na Na, Lagi-Lagi, Pantropiko, at iba pa.

Bago ang inaabangan nitong premiere, sinorpresa muna nina Mikha, Colet, Maloi, at Jhoanna ang kanilang minamahal na BLOOMs sa naganap na advance screening nito sa Gateway Cineplex nitong Lunes (Setyembre 23).

Anila, labis ang kanilang pasasalamat sa ipinadama nilang pagmamahal at suporta.

Balikan ang kanilang pakikipagsapalaran bilang Nation’s Girl Group sa BINI Chapter 1: Born to Win, na mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android).

Abangan din ang mga susunod nitong episode na malapit ding ipalabas sa iWantTFC.

Mag-register lang sa iWantTFC.com para makapanood nang libre saan man sa Pinas.

Maalalang may pandemic pa nang ilunsad ang kanilang grupo.

At least ‘to walang bayad sa mga sinehan.

Kim Ji-Soo sa ‘Pinas itutuloy ng career, nilinaw ang kontrobersya sa sexual assault at school violence!

Sunud-sunod ang acting projects ng Kapuso Oppa na si Kim Ji-Soo matapos niyang pumirma bilang isang Sparkle artist. Matatandaan na una siyang napanood sa GMA Network action drama series na Black Rider, kung saan marami ang bumilib sa kanyang pagganap bilang Adrian Park.

Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024.

Malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na Mujigae kasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel, at marami pang iba.

Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan lamang ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na Jisoo Road at naging active rin siya sa TikTok.

Dahil sa init ng suporta ng fans ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021.

Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.

 Nananatiling focused at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang fans.

Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”

 Kinakikiligan naman ngayon ang tambalan nila ni Kapuso actress Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Kim Young.

Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at komportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.

Pero last one month na lang daw ito.

Napanood si Kim Ji-Soo sa mga Korean series na Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016); Strong Woman Do Bong-soon; Ping Pong Ball; My First First Love at marami-rami pang iba.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with