KC, lutang ang freshness!

KC

Ang bongga naman ni KC Concepcion na binalikan na ang pagsasayaw.

Ipinost ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang mga litrato niya sa Blanco By G-Force na isa sa dance studios ng sikat na dance group na G-Force. Makikita sa mga litrato na suot niya ang isang sweatpants, oversized sweater at naka-cap na handang-handa talagang sumabak sa pagsasayaw.

“The dance studio ~ letting FOCUS turn into FLOW,” caption niya sa kanyang post.
Sunod nga niyang post sa nasabing dance studio ay may caption namang “fresh space = fresh mind.”

Matagal na palang celebrity client ng founder ng dance group na celebrity choreographer na si Georcelle Dapat-Sy si KC.

Mukhang parte nga ito ng fitness routine ni KC dahil base nga sa kanyang mga post nitong mga nagdaang araw at buwan ay seryoso siya sa kanyang pagbabalik-alindog gaya ng Pilates. At pansin na pansin nga ng netizens ang pagpayat niya.

Pero bukod sa pagpayat, napansin din ng mga tagahanga niya ang kanyang freshness at mas lalo raw gumaganda ang mukha niya ngayon.

Wish nga ng mga ito ay bumalik na siya sa pag-arte at pagsayaw lalo na ngayong pumapayat na ito.

Hindi kaya mag-perform siya sa ASAP? Na siguradong ikatutuwa ng fans niya na sabik na siyang makita ulit.

Pati nga ang CEO ng Beau­tederm na si Rhea Tan ay napakomento sa ganda nga ng anak nina Gabby at Sharon.

Hirit nga ng netizens ay kunin na nito si KC na endorser dahil bagay raw ito sa kanyang produkto na may napaka-fresh at humbling pa raw ng mukha. Glowing from within daw talaga at lutang ang sinseridad.

Mukhang sinasamantala na rin niya habang narito siya sa bansa at isa-isang kinikita ang mga kaibigan. Makikita rin kasi sa kanyang post ang lunch nila ni Bela Padilla.

Pero wala pa siyang ipino-post kung nagkita na ba sila ng kanyang mommy na si Shawie.

‘Kaloka.

Pero sa totoo lang, swak si KC sa Beautederm ha.

Paging Rhea Tan.

Show comments