^

PSN Showbiz

ShaGab fans, ginastusan ang kanilang 40th Anniv

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Forty years pala since ikinasal sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion last Sept. 23. Kaya pala nag-celebrate ang kanilang die-hard fans ng kanilang Ruby Anniversary! Umaasa pa rin ba ang mga ito na magkabalikan at mag-live happily ever after ang ShaGab?

Pero nakakabilib lang na loyal sila at talagang gumagastos sila sa mga concert ng idol nila. More than just a concert, bakit kaya hindi pelikula ang gawin nina Sharon at Gabby?

Ano kaya ang magiging mas malakas, ang concert o ang pelikula?

In the first place, sana gawin nila ang mga ito nang walang aberya, ‘di ba?

Ria, three months preggy nung ikasal

Congratulations kina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa kanilang baby boy. Biglang nagbalik-tanaw ang mga netizen. March 23 ikinasal sina Zanjoe at Ria six months ago.

Meaning, three months preggy na si Ria nang ikasal sila.

Weno naman ngayon?

Bakit kaya itinanggi o ayaw pa nilang aminin noon? Nagma-matter pa ba ‘yun ngayon?

Dennis Trillo, bumababa

Totoo bang medyo nagdi-dip talaga sa ratings kapag lumalabas ang karakter ni Dennis Trillo sa Pulang Araw? Medyo seryoso kasi at para siyang may sariling mundo!

Sayang kasi mahihigit din ng lupa pababa ang Widows’ War na single digit na rin at natatalo sa kalaban nitong Lavender Fields.

Ano kaya ang puwedeng gawin ng Pulang Araw para matulad sa Can’t Buy Me Love na ok ang viewership sa Netflix, at ok pa rin ang rating sa free TV?

Ano kaya ang puwedeng gawin bukod sa ‘di nagtagumpay na giyera?

Apo ni Martin, nasa Pilipinas na

Sa Friday na ang Concert King 42ever ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum. Nakaka-excite lang na mga kasamahan niya sa industriya tulad nina Ogie Alcasid, Regine at Cacai Velasquez ang nagtayo nito para sa kanya.

Dumating na rin from the US ang anak ni Martin na si Robin kasama ang anak na si Finn. Sinu-sino pa kaya ang surprise guests aside from the ASAP singers?

Abangan kung maja-jampacked ang Araneta sa Biyernes!

NAKAKATAQUOTE:

“Lola na ako.”  – Sylvia Sanchez

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with