Heart, level up ang pagiging global icon

Heart Evangelista

Ibang level na talaga ang pagiging global icon ni Heart Evangelista.

Bongga ang mga rampa niya sa Milan Fashion Week at susunod sa Paris Fashion Week.

Sosyal, umawra-awraw siya para sa Versace at Dolce & Gabbana kung saan andun din si Madonna. Ang ganda ng mga sinuot niya na tiyak na mahal ang presyo kaya’t hindi gaanong familiar sa mga taong nasa laylayan noon.

Pero ngayon parang dahil kay Heart naging familiar na ang lahat sa mga luxury brand.

At maraming mga Pinoy raw na mape­pera ang laging nag-aabang sa mga sinusuot niya at saka nagpapabili sa mga online seller.

Kaya naman, pasalamat talaga dapat ang mga luxury brand kay Heart dahil hindi lang sa bansa nagkaroon ng awareness ang mga dati ay akala mo ay hindi mabibili ng iba kundi ganun din sa iba pang bansa sa Asya.

Kaya naman dami niyang endorsement ngayon.

Palakpakan si Heart.

Ikaw na ang totoong Queen of Fashion.

Kapuso, may bigtime panalo

Sosyal, ngayong Kapaskuhan pala ay mahigit sampung milyong piso na papremyo ang maaaring mapanalunan sa Kapuso Bigtime Panalo Season 2 ng GMA Network!

Simula Setyembre 28, maaari nang sumali ang mga mamimili at sari-sari store owners nationwide. Sa Kapuso Bigtime Panalo Season 2, may chance silang manalo ng Php 1 Million grand prize (tig-Php1 Million ang mamimili at store owner).

Kaloka, sana magwagi ako.

Ang siste nga lang hindi naman ako namimili sa mga tindahan at wala rin akong sari-sari store.

Hahaha.

Pero sana talaga maraming manalo sa pa-contest na ito ng GMA 7.

Show comments