^

PSN Showbiz

Major performer hiwalay na, misis laging kasama ang miyembro ng LGBTQIA++

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Gaano katotoo kaya itong nasagap nating chika na hiwalay na raw ang isang major performer sa kanyang asawa?

At habang ito’y nagtatrabaho sa mga major projects ay mas ninanais pa niyang makasama ang mga kaibigan niyang miyembro ng LGBTQIA++ kaya Love Wins talaga!

Arnel Pineda, nag-sorry sa mga nanood ng Rio Musicfest

Anyare sa performance ni Arnel Pineda sa Rock in Rio Music Festival sa Rio de Janeiro?

Nag-sorry ang lead vocalist ng bandang The Journey at ipi­naubaya sa fans kung mag-stay ito sa banda o tuluyang umalis na.

Bakit sila pa ang pinagde-decide ni Arnel? Hindi ba niya ito mapagdesisyunan?

Pero mabalik tayo, bakit nga ba naging ganun ang performance niya?

Wendell, kakandidato rin

Totoo ba ito,  maraming mga artista ang nagpaplanong tumakbo for local positions din sa elections next year?

Nauna nang nabalita si Mocha na tatakbo na councilor sa ticket ni Isko Moreno sa Maynila.

Tatakbo rin ba bilang councilor din ng Maynila si Wendell Ramos na nakitang kasama sa namimigay ng ayuda ni Cong. Sam Verzosa?  At si  DJ Durano, tatakbo rin daw bilang board member sa Cebu?

Tinatanong na ng mga network ngayon kung kakandidato ba ang mga stars nila sa eleksyon kasi iniiwas nilang mateknikal sila ng COMELEC.

John at Misis, nagkabalikan

Nagkabalikan ba sina John Estrada at Priscilla Merielles? Nakita raw silang magkasama sa Singapore recently at ang sabi raw ni Priscilla, “work lang po, thanks for understanding.”

Ano na nga ba ang nangyari sa kanila? Kung work lang yun, balik ba sa Brazil si Priscilla after? Ano naman gagawin niya rito kung hindi sila ok ni John, di ba?

Nakakataquote:

“Pag ganon na nag-o-overflow (yung pera) tapos hindi mo alam i-handle, naiiba ka talaga ng pera. Saka ‘yung pinaka-ayaw kong ugali noon, wala akong Diyos, hindi ako nagpapasalamat sa Diyos kaya nakakahiya. Parang ang Diyos ko ay (noon ay) pera.

“Kaya dapat maawa ka sa sarili mo, gumawa ka ng pera dahil pera is dignity, trabaho is dignity. Pag wala ka pareho niyan kawawa ka.”

(ROSANNA ROCES na natuto na sa tamang pag-handle ng pera)

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with