Muling kinilala ang ABS-CBN ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa maayos na pagpapatakbo nito sa kumpanya matapos gawaran ng ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Award noong Huwebes (Setyembre 19).
Ito ang pang-limang taon na pinarangalan ang ABS-CBN para sa magandang pamamalakad nito at pagsunod sa mga regulasyon ng gobyerno batay sa 2023 ACGS and Corporate Governance Scorecard (CGS) assessment results. Kabilang ang ABS-CBN sa mga Philippine publicly listed at insurance companies na binigyang parangal ng ICD.
Ayon sa ICD, layunin ng ACGS na itaas ang ang antas at mas gumanda pa ang pamamalakad ng mga publicly-listed companies at mas maraming investors pa ang maengganyong pumasok sa bansa.
Ang ICD ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na hangad ang professionalization ng Philippine corporate directorship.