^

PSN Showbiz

Yassi, ikakasal na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yassi, ikakasal na?!
Luigi Villafuerte at Yassi Pressman
STAR/ File

Ang bongga naman ni Yassi Pressman at boyfriend niyang pulitiko na si Luigi Villafuerte na nagselebreyt na ng kanilang first anniversary.

Marami ang kinilig sa naging mensahe ng aktres sa kanyang karelasyong pulitiko kasama ang video ng mga adventure nila at memories nila.

Tanong niya ay paano raw siya sinuwerte sa pag-ibig. Na ginawa nito ang lahat para sa kanilang memorable trip para magdahan-dahan at ma-appreciate nila ang ganda ng mundo.

At hindi raw nila dapat sayangin ang bawat oras kasama ang mga taong mahal natin.

Hindi raw madaling maka­kilala gaya ng kanyang boyfriend na may ganitong klaseng pananaw.

Pati ang boyfriend niya ay nag-post din ng mga litrato nila at sweet message sa kanilang first anniversary.

Pinusuan ng netizens ang ipinost ni Yassi na video ng anniversary celebration nila sa Bhutan. Humanga nga ang netizen dahil isa ang lugar sa pinakamahal na bansa.

Sobrang na-enjoy ng dalawa ang kanilang bakasyon at hindi nawala ang pagiging sweet ng dalawa sa video na kanilang mga halikan kaya’t naalala ng netizens ang ginawa nila noong laplapan sa event.

Mukhang nagkaroon na rin daw ng proposal at engaged na sila.

Well, sana ay walang halong pulitika ang lahat nang ito.

Babu.

‘Pasko na...’

Talagang malapit na ang Pasko. Naghahanda na ang mga serye ng Pamaskong mga kuwento.

At kahit ang mga mall, pamasko na ang mga dekorasyon.

Pati ang mga tugtog nila.

Kaya kahit September pa lang, Pasko na agad ang aking pakiramdam.

Grabe na rin ang paghahanda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ng mga producer.

Medyo practical na nga lang ang mga producer at artista ngayon.

Wala na ‘yung mga ilusyon na mga ganito ang presyo ko, ganyan presyo niya.

Mas maganda sana na merong collab para magkasama-sama ‘yung malalaki.

Imagine mo isang movie na magkasama sina Senators Bong Revilla at Robin Padilla. Lakas siguro nu’n.

Isang Heart Evangelista at Marian Rivera. Bongga ‘di ba!

Ba’t hindi gawin ‘yan.

Sana matupad. Bongga.

vuukle comment

YASSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with