Finally... Jennylyn, pipirma na ulit ng kontrata sa GMA

Jennylyn Mercado.

Pipirma na raw, finally, si Jennylyn Mercado sa Kapuso Network ulit anytime soon!

Pagkatapos lumutang ang mga balita na nakikipag-usap diumano ang “emisaryo” nito sa ABS-CBN na itinanggi naman ng mga taga-Kapamilya network na kukunin nila ito – dahil na rin sa kamahalan daw ng presyong kaakibat nito, talagang sa Kapuso pa rin ang bagsak ni Jen.

Wala rin naman daw plano ang TV5 na kunin siya, at iwas na magamit pa bilang leverage sa nego ng contract tulad ng ginagawa ng ibang artista, talagang forced to sign up na sa GMA ulit si Jen.

Question, bakit ba natagalan itong pumirma ng renewal? Totoo bang kinonsider niyang lumipat ng network? Bakit siya finally nag-settle to be a Kapuso once more? Ano ang final nilang napagkasunduan ng network, bale?

Malalaman natin iyan from Jennylyn mismo sa paparating na panahon!!!

Alden, tinuloy na ang panliligaw kay Kathryn

Halatang pigil si Joross Gamboa sa pambubuko tungkol sa ligawang Alden Richards at Kathryn Bernardo, bilang paggalang na rin sa mga kaibigan niya. Tama naman ‘yun.

Pero totoo bang nanliligaw na at nagdada-moves na si Alden kay Kathryn na panay ang padala ng bulaklak at todo buhat ng mga gamit at kung anik-anik pang pagpapahiwatig na espesyal si Kath sa kanya? Kailan kaya ito maaamin ni Alden kay Kath at maging sa publiko? Sana kahit hindi promo para sa Hello, Love, Again. Kahit now na, basta totoo na, ‘di ba?

Chloe, co-host na sa ASAP

Usap-usapan na naman si Chloe San Jose na guest co-host sa iWantASAP. Talaga bang showbiz-bound na siya? At siya ba talaga ang gustong suportahan ng ASAP gayung parang mas may dapat pa siyang ayusin sa personal na buhay niya at sa pamilya ng boyfriend niyang si Carlos Yulo?

Hindi kaya matuto ang ASAP sa ginawang stand ng Milo kay Carlos – na tipong nagsasabing “umayos ka, hindi lang sa medalya nasusukat ang tagumpay.”

O sakay na lang nang sakay ang ASAP kung ano ang puwedeng magpataas ng ratings nito at makakalikha ng ingay dahil tila hindi nagwo-work ang reformat nito?

Pati naman si Caloy ngayon ay sinasagot na ng mga netizen ngayong kakapa-interview lang nina Caloy at Chloe kay Toni Gonzaga sa vlog nito. Ang sabi ng isang netizen kay Caloy, “piniling manahimik pero nagsasalita pa rin sa publiko?”

Korean movie ni Alexa, exclusive sa SM

Tuloy na tuloy ang pagpapalabas ng Mujigae starring Ji Soo sa kanyang first father role sa pelikulang directed by Randolph Longjas. Mujigae, ibig sabihin rainbow in Korean, ay starring Alexa Ilacad and introducing Ryrie Sophia. Ipapalabas ito exclusively sa SM Cinemas starting Oct. 9.

Nakakatuwa lang na sa gitna ng challenges sa pagpapalabas ng Filipino films, talagang may sumusugal pa rin sa mga pelikulang gusto at maganda para sa kanila.

Pero teka, bakit kaya SM Exclusive lang ito at hindi ipapalabas sa ibang sinehan? Less gastos ba ‘yun? Ok lang bang less audience? Or parang business model ng How To Make Millions Before Grandma Dies na ok na kokonti lang ang sinehan pero puno naman? Sana talaga puno! Good luck!

Nakakataquote:

Billy, nagluluksa sa amang pumanaw

“I’m sorry dad, I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. Thank you for being the greatest dad I could ever have. May you finally rest and forever be happy in the Arms of our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man!

“Love, Billy Joe Crawford”

Ang aming pakikiramay.

Show comments