Tom, inaming may ipinalit na kay Carla

Tom at Carla
STAR/ File

Ang bongga naman ng aktor na si Tom Rodriguez na balik na talaga sa pag-arte.

Kabilang siya sa cast ng Lilet Matias: Attorney-at-Law na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Ipinost ni Tom ang photo nila ni Jo na magkasama.

Maaalala ngang noong January lang nakabalik si Tom sa bansa mula Amerika matapos ang dalawang taon nang mag-divorce sila ng dating misis na si Carla Abellana.

Pitong taon tumagal ang relasyon nila bago sila nagpakasal pero hindi nga nagtagal ang pagsasama nila at nagkaroon ng ispekulasyong hiwalay na sila matapos lamang ng tatlong buwan.

Sinabi ni Tom na naka-move on na siya at meron nang bagong nagpapasaya sa kanya pero ayaw na nitong magbahagi pa tungkol sa kanyang love life.

Handa naman na pareho ang dating mag-asawa na kung sakaling magkrus ang landas nila lalo na ngayon na hindi imposible dahil nasa iisa lang silang istasyon.

‘Kakayanin ko’

Ewan ko ba but lately meron akong anxiousness na nararamdaman. Minsan nga naiisip ko baka premonition ito or something kaya medyo nalulungkot ako.

Pero like I said kung sakali naman, ready na ako. I had it all, everything, I cannot be more grateful dahil I think I had a good life, thanks to God.

Para umabot ako ng 77 at still growing older, biruan nga refusing to grow up dahil hanggang ngayon maldita pa rin ako.

Life is how you live it, kaya I can say I live my life the way I want it, the good with the bad. Where I am now, very grateful ako. Kung naging sino ako, alam ko na dahil sa tulong ng mga naging good friends ko sa showbiz.

So now anumang mangyari makakaya ko nang harapin, no problem, kakayanin ko iyan. Bongga.

Show comments