ShaGab, 30 years na sanang kasal

Gabby Concepcion

Kung hindi naghiwalay sina Gabby Concepcion, 30 years na sana silang kasal ni Sharon Cuneta bukas, Sept. 23.

Kinasal sila sa Manila Cathedral noong Sept. 23, 1984.

Pero hanggang ngayon, andyan pa rin ang loyal fans nila na naghahanda para sa nasabing ‘anniversary’ nila lalo pa at tuloy na tuloy na ang muling pagsasama ng ShaGab sa Dear Heart US/Canada tour sa October at November.

“Wow, parang it’s all co­ming back to me now, hahaha! Wala lang, hintayin na lang natin kung ano ‘yung babalik. Pero one thing’s for sure, wala tayong ibang gagawin kundi mag-enjoy lang,” sabi ni Gabby sa magaganap na tour nila ng dating misis.

Pero ano bang masasa­yang alaala na hindi niya malilimutan sa naging pagsasama nila.

“Mahirap bilangin, eh. Hindi lang iisa, eh. Siyempre, masaya. Pinasok namin ‘yan, nandidiyan kami once upon a time and it’s nice. Maraming magagandang nangyari,” saad niya pa.

Anyway, iikutin ng ShaGab ang US at Canada para sa shows sa Oct. 26 sa Harrah’s Resort Southern California; Oct. 27, Saban Theatre sa California; Nov. 2, The Meeting House sa Canada; Nov. 15, Thunder Valley Casino Resort sa Canada; Nov. 17, Westgate Las Vegas Resort & Casino sa Las Vegas; Nov. 21, Club Regent Events Centre sa Canada; Nov. 23, the Hawaii Convention Center sa Honolulu; at Nov. 29 sa Chandos Pattison Auditorium, Canada.

Show comments