Dollars daw ang tf... Heart, tuhog ang raket sa fashion week

Heart Evangelista

Parang lahat na lang gustong rumampa sa mga fashion event sa Europe na inumpisahan ni Heart Evangelista.

Siya naman talaga ang OG (original) na aniya ay talagang hindi walk in the park bago narating at nakuha ang pagiging global fashion and style icon.

Ngayon, career na ng iba na rumampa.

Si Pia Wurtzbach ay very Heart na ang style, kahit sa mga Reel video niya dahil common knowledge naman na nasa kanya ang dating glam team ni Heart na diumano’y BI (bad influence) na rin sa former Miss Universe.

Pero ang advantage nga ni Heart sa kanilang lahat, ayon sa isang source, malaki ang talent fee ng misis ni Senate President Chiz Escudero sa kanyang mga commitment sa fashion week.

At tuhog ang mga raket niya tuwing iimbitahan doon.

Like dito raw ginaganap na Milan Fashion Week at gaganaping Paris Fashion Week, dalawang campaign diumano ang ginagawa niya – Dolce & Gabbana Beauty at Fleuron Paris, meron din daw itong international magazine shoot plus one new endorsement shoot pa.

Kaya naman maraming kontra sa opinion ng ilang online shopper na malaki ang ginagastos ng katulad ni Heart sa mga fashion week.

Expenssive raw talagang dumalo sa mga ganitong event pero ibang usapan ‘pag ini-sponsor na ng mga hotel at airfare.

Actually, nauna nang nabanggit ng isang source na dollars diumano ang TF ni Heart ha.

Kahit naman daw sina Pia or Anne Curtis, at iba pang influencer may mga sponsor sila like si Dra. Vicki Belo bilang number one buyer siya ng mga luxury brand at ang mga nasabing brand na ang sumasagot ng gastos nila sa mga airfare and accommodation.

Baka raw ang sinasabi ng online shopper ay tulad ni Joel Cruz na umabot pa sa demandahan ang pangarap sanang makaawra sa mga fashion event sa Europe.

Masaklap nga ang kinahinatnan at nauwi pa sa demandahan ng nasabing pangarap ni perfume magnate dahil naglabas na ito ng pera sa mga supposedly ay agent pero walang naibigay na invitation.

Anyway, rumampa na si Anne Curtis sa Milan Fashion Week at in fairness sa kanya mas kilala pa siya ng fans kesa sa Reels ni Pia.

Show comments