Alexa, nahirapang magpaka-nanay!

Alexa Ilacad

Maraming mga bagay ang natutunan ni Alexa Ila­cad tungkol sa pagiging ina dahil sa pelikulang pinagbibahan. Simula Oct. 9 ay mapapanood na sa SM Cinemas ang Mujigae na pinagungunahan ng aktres. “It’s so hard to be a mother and while shooting na-miss ko ‘yung mom ko palagi. It takes so much selflessness to be a mother. Sabi ko sa sarili ko, kaya ba ‘to ever?” bungad ni Alexa.

Sa edad na 24 ay hindi pa umano sumasagi sa isipan ng dalaga ang pag-aasawa at pagkakaroon ng sari­ling pamilya. Para kay Alexa ay mas mahalaga pa rin ang kanyang career sa kasalukuyan. “Of course, the Alexa of me today, wala pa talaga sa isip ko ‘yan. ‘Di ko pa naiisip at all. Me as a mother, me having a fa­mily. It’s not something I want. I want to build a career, I want to be really, really rich. Maybe one day as long as I’m stable and have a good partner with me,” giit ng aktres.

Naniniwala si Alexa na wala namang masama kung sakaling hindi siya magiging ina sa takdang panahon. “It’s okay kung iba ang choice mo sa life. I don’t think that makes you less of a woman if you choose not to be a mother. If you choose to live your life in a different way or path, that’s totally fine but if you do choose to take care of a kid, kayang-kaya. As long as you choose to love everyday,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Dulce, tumakas sa operasyon

Naibahagi ni Dulce sa publiko ang tungkol sa naudlot na pagpaparetoke ng kanyang ilong noon na kagustuhan umano ng kanyang talent manager. Nabansangang ‘rebelde’ ang singer dahil sa pagtakas mula sa operasyon dapat ng kanyang ilong. “Ayaw ko talaga, dinala ako sa Makati Medical Center. Sinukat-sukatan ako ng ilong. Ayaw ko talagang pumayag. No’ng dinala ako sa clinic, may ruler-ruler. ‘Di ba ngayon computer, mamimili ka na lang ng mga ilong. Sabi ko, ‘Ano ‘yan?’ Tapos may drawing-drawing kasi iaayos na nga. ‘No!’ I ran away, tumakbo talaga ako. Hindi po talaga ako pwede magpagalaw,” nakangiting kwento ni Dulce sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang nakilalang Asia’s Timeless Diva na nakaramdam ng takot noong na magbago ang kanyang boses kapag nagparetoke ng ilong. “I really believe, Boy, na kung dumating man ako dito sa Maynila, it’s because of the voice that God gave me. Meron akong fear na kapag ginalaw ang ilong, merong magbabago o ano man ang mangyari,” pagtatapat ng Cebuana singer. — Reports from JCC

Show comments