Liza, kabuntot sa Singapore ang business partner ni James na nakulong

Jeffrey and Liza Soberano.
STAR/ File

Jowa reveal

Mas lumakas ang rumor na sina Liza Soberano at ex-business partner ni James Reid na si Jeffrey Oh pa rin ang magkarelasyon.

Ito ay matapos makitang magkasama ang dalawa sa Singapore kung saan naging speaker si Liza sa ginanap na Asia Summit 2024 sa Marina Bay Sands.

In all fairness kay Liza, impressed daw rito ang mga nag-participate sa na­sabing Summit kung saan naging speaker din ang South Korean singer-actor na si Siwon Choi na UNICEF Regional Ambassador, East Asia and Pacific, United Nations Children’s Fund at Hannah Nguyen, isang entrepreneur, philanthropist at UNICEF International Council Member.

Save The Children Philippines daw ang nire-represent ni Liza.

Advocacy ni Liza ang mga kabataan na noon pa man ay very vocal sa kanyang itinatag na foundation na pumabor na taasan ang parusa ng statutory rape.

Pero ang isyu nga ay kasama diumano ni Liza ang controversial former CEO ng Careless Management nila James sa Singapore dahil makikita ito sa isang video na nasa likod niya (Liza) habang kausap ni Liza ang isang Indonesian star na  si Raline Shah na present din daw sa Asia Summit 2024. Nag-uusap ang dalawa sa video at doon nakita sa likod ni Liza si Jeffrey Oh na nag-trending nung isang araw.

Si Liza nga diumano ang tumulong ayon sa chika ng katotong si Ogie Diaz upang makalabas ito ng kulungan.

Maaalalang inaresto ang sinasabing jowa diumano ni Liza ng Bureau of Immigration (BoI) noong July, 2023 dahil sa kawalan ng permit para makapagtrabaho o makapagnegosyo sa Pilipinas dahil ang nationality nito ay Korean-American.

Ibinunyag ni James kay Ogie ang mga ginawang panloloko diumano sa kanya ng dating kasosyo at ayon pa sa aktor, importanteng natutunan niya rito ay huwag basta-basta magtiwala.

Ang sabi, diumano’y natangayan si James ng P100 million.

Show comments