^

PSN Showbiz

Chavit, nagpa-stem cell sa Japan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Chavit, nagpa-stem cell sa Japan
Clint, Richelle at Chavit
STAR/ File

Nagpa-stem cell treatment na si former Gov. Chavit Singson sa Japan pagkaraan ng 12 taon.

Isa nga raw ito sa paghahanda ng producer / businessman sa kanyang pagsabak sa 2025 senatorial campaign.

Kamakailan din ay bumiyahe si dating Ilocos Sur Governor sa Singapore kasama sina Pinky Tobiano, Juanch Robles, at Pianne Tobiano Sinfuego-Lavares para sa isang health checkup, sakay ng isang private jet.

Yup, sabi nga ay very particular ito sa kanyang health.

Pero aniya, gusto niya hindi lang siya ang malusog. Kaya pagbalik niya ng bansa, nagsagawa ang kanyang team ng feeding program at libreng medical/dental mission sa New Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City.

Dumiretso ang pulitiko/film producer sa BJMP para personal na saksihan at asikasuhin ang outreach program para sa 4,230 persons deprived of liberty (PDLs).

Ang medical/dental mission at feeding program ay bahagi ng programa ni Chavit na Happy Life For All. Kasama rin rito ang mga oportunidad sa kabuhayan paglaya ng PDLs sa kulungan.

Sey nga ni BJMP-National Capital Region (NCR) Chief Supt. Clint Russel Tangeres, ang programang ito ay promosyon ng good health at proper nutrition sa naturang facility.

Sa speech ni Chavit, sinabi niya na may mga oportunidad sa trabaho tulad sa Taiwan, na nangunguna sa pagpo-produce ng microchip sa mundo. Bukod sa Taiwan, in demand din umano ang mga caregiver sa South Korea at Japan, na sa pamamagitan ng kanyang impluwensiya, ay makapagbibigay ng trabaho sa mga PDL paglaya sa kulungan.

Ipinaliwanag din ni Chavit na may mga kumpanya at employer na hindi kumukuha ng mga aplikante na nakulong. Ito umano ang nag-udyok sa kanya para manguna sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga ito na makahanap ng hanapbuhay.

Bagama’t tatakbo sa 2025, iginiit niya na ang pagsasagawa ng medical/dental mission at feeding program sa Quezon City Jail ay walang kinalaman sa napipintong pagtakbo niya sa Senado.

Samantala, wala pang sinasabi si Manong Chavit kung naibigay na ba niya ang P5 million sa pamilya nila Carlos Yulo dahil hanggang ngayon ay hindi nagkakasundo ang pamilya Yulo

vuukle comment

CHAVIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with