^

PSN Showbiz

Luis, kumpirmado na raw ang pagtakbo?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis, kumpirmado na raw ang pagtakbo?!
Luis Manzano.
STAR/ File

Kinataba ng puso ng pambansang host na si luis manzano ang classroom version ng rainbow rumble na ginawa ng school teacher na si alfe iglesia mula sa Agusan Del Sur para maengganyo lalo ang kanyang mga estudyante.

“Kapag ‘yung game show mo ay ginagamit to teach and for learning purposes, ibig sabihin may ginagawa kang tama. Napakalaking bagay sa amin ‘yun,” ayon kay Luis na kumpirmado na diumanong kakandidato sa 2025 elections sa Batangas.

Nagpasalamat siya kay Alfe dahil naisip nitong gamitin ang pinakabagong game show ng ABS-CBN bilang isang epekti­bong diskarte sa pagtuturo niya.

“Maraming salamat sayo Sir Alfie Iglesia. Ginawa niya ‘yung game show natin para sa kanyang mga estudyante. Saludo po kami sa inyo sa pagiging creative, we are deeply honored na nagiging part kami at mas nakakatulong sa mas effective na pagtuturo niyo,” dagdag niya.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Alfe kung paano nakatulong ang format ng laro sa paghahatid ng kanyang mga aralin sa Ingles.

Nagpapasalamat din siya dahil kinilala ng palabas ang kanyang efforts para mas pag-igihan ang pagtuturo sa mga bata.

“I always find a way to make my teaching and learning process more engaging and more meaningful. Masaya ako sa naging response nila (sa Rainbow Rumble) because I find it very effective. I really noticed na merong interaction, merong active participation,” Alfe said.

Gaya ni Alfie, parami nang paraming netizens ang pumuri sa show dahil sa pagiging informative nito pati na rin sa sayang dinadala nito tuwing weekend. Pinuri rin nila ang galing ni Luis sa pagiging host.

Samantala, patuloy ang pagbibigay-saya ng Rainbow Rumble sa mga manonood noong weekend (Setyembre 14 at 15) tampok ang Pinoy Big Brother hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee at Robi Domingo at Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Izzy Trazona-Aragon, Monic Icban-Diamante, Mae Acosta-Valdez, at Mhyca Bautista na sumubok sa mga nakakatuwang challenges. Nakakuha ng kabuuang 491,249 combined peak concurrent views ang dalawang episode na napapanood  tuwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15 p.m. sa TV5.

AGUSAN DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with