Piolo, walang planong magretiro
Mahigit tatlong dekada nang aktibo si Piolo Pascual sa show business. Sa loob ng tatlumpung taon ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng aktor. Sa ngayon ay hindi pa umano sumasagi sa isipan ni Piolo na talikuran ang industriyang kanyang ginagalawan. “Not anytime soon hopefully. I hope I get to be part of the evolution of Philippine cinema. We’re part of the MMFF, MIFF. And MMFF is celebrating its 50th year. So, to be part of that, you’re a clear representation of the industry. So, I want to be part of that,” makahulugang pahayag ni Piolo.
Kasamang magbibida ng aktor si Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na The Kingdom. Isang malaking karangalan para kay Piolo na makatrabaho ang kanyang iniidolo mula noon pa man. “I grew up kasi watching him, and for me to be acting alongside with a cinematic icon, kailangan kong tanggalin ang pagka-fan ko. I have to deal with it and cross the bridge when I’m already there because we have a lot of scenes together,” pagtatapat niya.
Hindi inakala ni Piolo na magtatrabaho ngayong Kapaskuhan. Hindi raw nagdalawang-isip ang aktor na tanggapin ang proyekto nang unang mabalitaan ang tungkol dito. “It just fell into place. I mean, we’re both busy but if there is a project that you can work on and make things happen to make it happen, it will happen. I thought hindi ako magfi-filmfest this year because I did so much last year. Pero no’ng pumasok, okay, trabaho tayo sa Pasko,” pagtatapos ng aktor.
David at Barbie, mas lumalim na ang ‘relasyon’
Malaki na ang ipinagbago sa pananaw sa buhay ni David Licauco mula nang gawin ang Pulang Araw sa GMA Network. Napamahal na umano ang aktor sa pag-arte dahil sa naturang serye na pinagbibidahan nina David, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Dennis Trillo at Alden Richards. “I would say na ‘Pulang Araw’ really changed my perspective with siguro my life din. ‘Yung acting feeling ko this is something na I can do for a long time, kaya ginagalingan ko talaga. Mahal na mahal ko na ‘yung acting ngayon,” makahulugang pahayag sa amin ni David sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ginagampanan ng binata ang karakter ni Hiroshi Tanaka na isang Hapon sa naturang serye ng Kapuso network. Talagang inaaral ni David nang mabuti ang kanyang mga linya upang mapaganda ang bawat eksenang ginagawa. “Aral ako nang aral ng acting. Maraming trial and error. I think before Pulang Araw kasi sinet ko ‘yung parang nagkaroon ako ng goal na gusto kong hopefully manalo ng award,” pagtatapat ng aktor.
Samantala, mas lumalim na rin ngayon ang pagkakaibigan nina David at Barbie. Matatandaang nagkatambal ang dalawa sa Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man. Ayon kay David ay malaki ang naitutulong sa kanya ng aktres upang husayan pa ang ginagawang pag-arte sa harap ng kamera. “Mas nag-mature din kami. I’d like to think na we both understand each other better now as compared to before. And ako naman, sakto lang, ‘di ba? So depende pa rin talaga, Tito Boy, sa script eh. So kami naman, willing kami gawin. Kasi hindi lang, Tito Boy, sa kissing scenes eh, even ‘yung mga scenes namin ngayon, mas mature na in terms of emotions. So, mas grabe ‘yung hug,” pagbabahagi ng nakilalang Pambansang Ginoo.
(Reports from JCC)
- Latest