Lotlot, may patutsada kay Paulo?!

Lotlot de Leon at Janine Gutierrez.
STAR/ File

Naging usap-usapan ang mga sinabi ni Lotlot de Leon nang diretsahan siyang tanungin kung boto ba siya sa aktor na si Jericho Rosales para sa anak na si Janine Gutierrez sa Marites University.

Sinabi niyang ang importante raw sa kanya, unang-una ay pinagmamalaki ang mga anak niya na kung saan diretsahang ina­amin ng lalake kung idine-date raw ba ang kanyang anak.

Ang sarap daw marinig iyon mula sa taong gusto ang anak mo.

Kaya naman natanong siya kung meron bang iba na hindi nagmalaki kay Janine. Na sinagot niya lamang na hindi niya alam.

Pinagpiyestahan nga ito ng netizens at sila na mismo ang sumagot tungkol dito. Tila pinatututsadahan daw ni Lotlot ang aktor na si Paulo Avelino na na-link kay Janine noon.

Never daw kasi inamin ni Paulo o sinapubliko ang relasyon nila pero sa mga interview kay Janine ay tila napahiya raw ito na kung sumagot ay parang sila pero hindi naman daw pala.

Depensa naman ng ibang fans ay matagal nang tapos ang dalawa at baka kaya hindi naman inamin ng aktor ay dahil wala naman talagang aaminin. Mukhang masaya naman daw ang dalawa sa path na pinili nila kaya huwag na raw sanang magpasaring pa ang beteranang aktres.

Samantala, puring-puri naman ng ibang fans ang ginagawang pagmamalaki ni Jericho na inamin na nagde-date na sila at nasa getting to know each other stage sila.

Pero hindi lahat ay boto sa kanya dahil mas deserved daw ni Janine, na edukada at classy, ng non-showbiz boyfriend at mala-AFAM (a foreigner assigned in Manila).

Sayang daw at lapitin pa raw ito ng mga lalakeng may anak na gaya nina Paulo at Jericho.

Show comments