Catriona, wagi sa kasong libel
Panalo sa kasong libel si Catriona Gray.
“Finally, after 4 years, the libel and cyber libel cases filed by Miss Universe 2018 Catriona Gray have been resolved. The writer and editor of BULGAR were found guilty beyond reasonable doubt, sentencing them to imprisonment.
“Thank you Cat for the trust you have reposed on us. The journey was not an easy tread but it is all worth it.
“Thank you Angela Antonio-Sibug and Christoffer Allan Liquigan, for all your hard work.
“This is not just a judicial win but a moral victory!”
Ito ang buong post Atty. Joji Alonso, Legal Counsel ni Catriona Gray.
Wendell, naisyuhan sa teleserye nila ni Coney
Totoo bang nakasagutan diumano ni Wendell Ramos ang substitute director ng Shining Inheritance? Maayos naman ang pag-arte raw ni Wendell kaso mo, may habit daw ito kaya nagugulat ang direktor na hindi sanay sa ganu’ng istilo ng aktor.
Siguro naman ay naayos na nila ito, dahil mahiya naman sila kay Coney Reyes na siyang laging nagdarasal para mapabuti ang takbo ng teleseryeng ito.
Direk Joel, may papiging sa kanyang 70th birthday
Ngayon ang 70th Birthday ni Direk Joel Lamangan at may pagtitipon ang mga kaibigan niya mula pa sa panahon niya sa teatro at kilusan para sa pagpapabuti sa bayan. Puro magaganda at masasaya na lang ang pag-uusapan.
Kasali pa ba sa magiging usapan si Ahron Villena? Hindi na siguro, at hindi na dapat.
Janine at Paulo, magkikita?!
So magkikita kaya ang mag-ex na sina Janine Gutierrez (PinakaPASADONG Aktres sa Dirty Linen) sa PASADO Awards? Gaganapin ang 26th PASADO awards sa Oktubre 12 sa Philippine Christian University, Manila. Si Paulo Avelino ang itinanghal na PinakaPASADONG Aktor sa seryeng Linlang. Ka-tie niya si John Arcilla para naman sa Dirty Linen. At ang nasabing teleserye naman ang mag-uuwi ng tropeo bilang PinakaPASADONG Teleserye.
Nagma-matter pa ba ito gayung parang naka-move on naman na ang dalawa with their new lovelives – Janine with Jericho Rosales, Paulo with Kim Chiu. Talaga bang ilang teleserye lang ang duration ng pag-iibigan ngayon? Hay naku?!
Nakakataquote:
“You know why Wolfgang is not supporting Ivory/Vicor vinyl pressing? They will pay the band 2.40 per 1,900 record.”
Ito ang sabi ni Basti Artadi, lead vocalist ng Wolfgang na sabi’y greed ang nananaig sa ganitong arrangement, dahil sa P2.4 na kita per vinyl album at paghahatian pa nila ‘yun ng lahat ng band members – ano pa nga ba ang matitira?
Kaya ibinalita na lang ni Basti na maglalabas sila ng 30th anniversary album kung saan ay maaaring mas makinabang sila sa kikitain ng nasabing album, ‘di tulad nitong nagaganap na hatian sa Ivory/ Vicor.
- Latest