Tuloy na ang pag-take over ni Korina Sanchez sa programang Face to Face ng TV5.
Technically, papalitan niya si Karla Estrada. Pero new version na diumano ito ng Face to Face sa pagpasok ni Ate Koring. Dahil hindi diumano pumayag si Ms. Koring na basta na lang maging tagasalo ni Karla na kakandidatong mayor sa Sta. Rita, Samar.
Nakalatag na nga diumano ang plano ni Karla sa 2025. Ang Sta. Rita ang first town after Tacloban, Leyte. Sa ilalim daw ito ng team ni Partylist Rep. Yedda Romualdez, wife ni Speaker Martin Romualdez.
Taga-Sta. Rita raw ang lola ng TV host at may bahay na ito roon.
Maaalalang hindi nakaupo sa Congress si Karla bilang third nominee sa Tingog Partylist. Pagkatapos nu’n ay itinalaga siya bilang consultant sa Social Services and Promotions ng Office of Speaker Martin Romualdez at ng partido.
Anyway, going back to Ate Koring, ayon sa source, iibahin na ang approach sa programa nga para hindi na ito ma-identify kay Karla na sa totoo lang daw hanggang sa umalis ay hindi nagbabasa pa rin ang ina ni Daniel Padilla ng idiot board.
At iba na rin daw ang co-host ni Korina, si KaladKaren na.
Actually, parang naunahan lang daw ni Karla ang programa dahil gusto rin talaga ng management na mag-reformat ang Face to Face bilang hindi diumano ito naka-take off.