^

PSN Showbiz

Stell, nalulumaan na sa kontrobersya ng kanyang retoke sa ilong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Stell, nalulumaan na sa kontrobersya ng kanyang retoke sa ilong
Stell

Bongga nag-live ang miyembro ng SB19 na si Stell para magsalita tungkol sa mga pamba-bash sa kanya.

Nalulumaan na raw siya sa paulit-ulit na sinasabi ng bashers tungkol sa pagpaparetoke niya ng ilong.

Aniya wala na raw bang bago sa pagtatabi ng litrato niya ng before and after niya magparetoke?

Alam daw niyang mali ang pambu-bully ng bashers pero huwag na lang daw pansinin ang mga ito dahil nakakapagod lang kung paulit-ulit pa na sasagutin ang mga ito sa social media.

Goal daw kasi talaga ng bashers na mang-trigger at makakuha ng reaction para mabigyan ng clout ang platform nila kaya mas maigi na huwag na lamang bigyan ng atensyon ang mga ito.

Hindi na aniya siya nasasaktan tuwing kinukumpara siya sa ibang artist at Pinoy-pop idols at sinasabihan pa raw siya ng maasim.

Unang-una sabi ni Stell ay proud siya sa photo niya na iyon dahil kahit ano raw gawin ay parte ito ng kanyang nakaraan at proud siya na iyon ang rason kung bakit narito siya ngayon at sinabing “May ganung klaseng Stell kaya me­rong Stell na ganito ngayon.”

Proud at masaya raw siya kung anong meron siya sa kasalukuyan pero bilang tao raw ay hindi mawawala ang kirot o inis dahil ginagawang katatawanan ang litrato niya.

Pero tuwing naiisip niya raw kung ano ang goal ng mga taong ito at ano ba ang ambag nito sa kanya ay ayaw na lamang niyang bumaba sa lebel ng mga ito. Ayaw na rin daw niyang itong patulan at gantihan pa ang mga ito.

Wala rin naman daw siyang magagawa dahil aminado siya na siya nga ang nasa litrato noong bago pa niya maabot ang pangarap niya at hindi na niya mabubura ang photo na iyon na bahagi ng past niya.

Naa-appreciate raw niya ang pagtatanggol ng kanyang fans pero para sa kanya ay hindi na talaga mawawala ang mga bully at bashers.

Bilib nga ang mga tagahanga niya sa sinabi niya at may mga na-inspire pa raw na magparetoke.

Gow Stell. Wala naman talagang masama sa ginawa mong pagpaparetoke.

Basta masaya ka, wala na silang pakialam noh.

Bongga.

vuukle comment

STELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with