^

PSN Showbiz

Aga at Nadine, pasok sa MMFF movie ni Ate Vi?

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Aga at Nadine, pasok sa MMFF movie ni Ate Vi?
Nadine Lustre

Matatapos ba ni Ate Vi (Vilma Santos) ang kanyang entry sa dara­ting na Metro Manila Film Festival gayung sinasabing pinagbabawalan pa siya ng doktor niya na gumawa ng nakakapagod na activities? Hintayin na lang natin kung aabot sila sa deadline.

At totoo ba na kasama ni Ate Vi sa pelikula niya sina Aga Muhlach, pati na si Nadine Lustre? Ang laking pelikula nito kung sakali ah!

Sharon at Juday, laglag sa mural

Ni-launch na ang mural ng MMFF stars at mga poster sa may EDSA. At tuluy-tuloy na project ito ng iAcademy at MMDA. Nasagot naman ang tanong kung bakit ‘yung mga personalidad na nasa mural ang nandun : ‘yung Hall Of Famers at consistent box office hitmakers.

Kaya’t marami pang nagtatanong - nasaan ang Megastar Sharon Cuneta at ang Young Superstar Judy Ann Santos? Oh well, na-explain na ‘yan ni MMDA Chairman Don Artes! At firm siya sa stand niya ha!

Nora Aunor, hindi mahanap

Nakaka-miss si Ate Guy (Nora Aunor) sa mga film events tulad noong tribute for National Artists na dinaluhan nina Kidlat Tahimik at Ricky Lee. Napakaganda ng tribute sa kanya sa programa; ang tanong– nasaan siya? Sa ginawang media launch ng MMFF 50 Special Activities, hinahanap siya ng mga tao; nasaan siya?

Bilang National Artist kasi, inaasahan ang presence niya na dapat nakaka-inspire ng mga tao dahil ganun nga dapat ang Artista ng Bayan.

Sana talaga mas maramdaman pa natin ang pagiging Artista ng Bayan ni Ate Guy lalo na sa panahon ngayon.

Ricardo Cepeda, nakalaya na

Nakalaya na finally si Ricardo Cepeda pagkatapos ng isang taon ding pagkakakulong dahil sa isang isyung kinasangkutan niya sa pera. Nandun ang kanyang kasintahang si Marina Benipayo para samahan siya. Ang tanong, bakit umabot ng higit isang taon bago siya napalaya? Hindi ba niya kinaya na makapagpiyansa nang mas mabilis? Ano na ang development sa kasong ito na dapat ding kapulutan ng aral ng mga katulad ni Ken Chan, ‘di ba?

Ingat-ingat na lang sa mga nakakakabang investments talaga.

Marian, rarampa rin sa MFW

Parehong nasa Milan Fashion Week sina Marian Rivera at Heart Evangelista. Magandang exposure ito if ever sa kanila! Anong brands kaya ang ire-represent nila? Magkikita kaya sila roon?

Kasama rin kaya sa event si Pia Wurtzbach na mabili rin sa ganitong mga ganap? Sino kaya sa kanilang tatlo ang may highest return of investment sa pagdalo nitong magarbo at magastos na event?  We’ll see!

Nakakataquote:

“Everyday I wake up thankful to the Lord that I have you in my life (crying emoji) i love you so much thank you for all my cuddles and kisses (heart emojis)” – Yassi Pressman to CamSur Governor Luigi Villafuerte on their 1st Anniversary

vuukle comment

MMFF

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with