^

PSN Showbiz

Heart, pinauso ang P34k lollipop holder necklace!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart, pinauso ang P34k lollipop holder necklace!
Heart Evangelista

MANILA, Philippines — Hindi talaga nauubusan ng pasabog si Heart Evangelista lalo na kapag nasa mga fashion week siya. Ang latest na pasabog niya ay ang hawak na Fendi Lollipop Hol­der na worth P34,000 sa peso. Nakitang hawak niya ang lollipop holder habang nag-i-stroll siya, as usual on point ang OOTD at napansin ang sabi, “knotted gray leather necklace with a lollipop-shaped pendant.”

“Lollipop Holder” daw ang tawag sa necklace niya, collaboration piece ng Fendi at ng Spa­nish confectionary brand na Chupa Chups. 

Dahil suot niya, marami tiyak ang bibili nito at basta ba may P34, 671.33 kayo, makakabili kayo ng Fendi X Chupa Chups Lollipop Holder. ‘Kaloka ang mahal!

Sarah, may collab sa GMA?!

May lumutang na photo, magkasama sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at si Nessa Valdellon ng GMA Pictures.

Dahil walang caption ang photo, hindi alam kung nagkita-kita lang sila sa restaurant o may meeting na naganap.

Kung may meeting man, bakit nakipag-meeting sila kay Ms. Nessa?

Na-excite tuloy ang fans ni Sarah at ang feeling nila, movie project ang pinag-usapan ng dalawang kampo.

Ito ay kung nakipag-meeting nga sila at hindi chance encounter ang pagkikita-kita nila.

Dahil may kontrata sa Viva Artists Agency at sa Viva Films si Sarah, kung gagawa siya ng movie sa GMA Pictures, posibleng collab with Viva.

Hintayin natin ang mga susunod na mangyayari, kung film project nga ba ang rason sa meeting na ‘yun.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with