^

PSN Showbiz

Luchi, ready to go na!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Luchi, ready to go na!
Luchi Cruz-Valdes
STAR/File

All my bags are packed and I’m ready to go raw si Ma’am Luchi Cruz-Valdes sa kanyang post bilang chief ng TV5 News and Public Affairs.

Nagtatanong talaga ang mga tao, may kinalaman ba talaga ito sa sexual harassment case ng TV5 manager na kasama niya sa Christian prayer group o desisyon niya talaga?

Sa pag-alis ba niya sa TV5, magkakaroon na kaya ng puwang ang ibang anchors na mapansin na rin at magkaprograma sa news na da­ting laging si Luchi ang bida?

Sayang lang ‘di ba, kasi parang nagkaroon tuloy ng lamat ang record ni Luchi not as journalist, but more as an administrator? Time to move on na lang talaga.

Chloe, nagkumpisal kay Luis

Nagpa-interview na nga si Chloe San Jose sa vlog ni Luis Manzano.

At para bang kinain niya ang naunang salita niya na ‘di niya gustong mag-showbiz samantalang inamin niya na ang big dream niya ay kumanta at mag-concert?

At sa tingin niyo napagsabihan ni Ma’am Cynthia Carrion si Chloe tungkol sa hindi pagtawag kay Caloy na Caloy kundi Carlos?

Hindi ba’t na­ging particular si Ma’am Cynthia sa reporters na tumatawag ng Caloy kay Carlos, eh baka excused ang girlfriend nito sa kanilang term of endearment?

Mga baguhang talent, tsugi na sa dapat…?!

Ano na ang mangyayari sa mga bagong Sparkle talents na pina-search pa for segments sa Dapat Alam Mo?

Naringgan ang ilang kaibigan nito na mawawala na rin sila soon? Paano na? ‘Yan ang mahirap kapag nacho-chopseuy at kung anu-ano na lang ang nagaganap sa mga programa at nagpa-parlor games na.

Ganito na ba ang bagong Public Affairs?

Magkarelasyong singer, buking ang bakasyon sa abroad!

Usap-usapan ang pagiging sweet at pagkakaroon ng relasyon daw ng dalawang singers ng isang show. Sila ba? Baka hindi naman, baka close lang talaga sila?

Pero bakit hindi mamatay-matay ang balita tungkol sa pagiging sweet nila – at kalat pa nga ang balitang pagbabakasyon nilang sabay sa ibang bansa kung saan na-jullie yap daza sila ng mga kababayan nating taga-roon?

Basta, ‘di ba dapat matuwa tayo na #LoveWins nga? Pero teka, umaamin na ba sila? Ano kaya ang masasabi ng nanay ng young singer na ito na sinasabing hindi badinger Z ang kanyang anak, aber?

Nakakataquote:

James, ayaw nang makatrabaho si Nadine!

James Reid on a possible reunion project with ex-girlfriend Nadine Lustre: “I don’t think so. Maybe out of respect for my partner, my girlfriend. Also, for my mental health.”

vuukle comment

LUCHI CRUZ-VALDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with