^

PSN Showbiz

Yasmien, hindi mabantayan ang anak na nasa hospital

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, hindi mabantayan ang anak na nasa hospital
Rey, Yasmien at Ayesha
STAR/File

Isinugod sa ospital ang panganay ng alaga kong si Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara.

Marami ang nag-alala sa pinost ng misis ni Rey Soldevilla kung saan sinabi nitong dinala nila sa emergency room ang panga­nay nila dahil sa pananakit ng tiyan, pagsusuka at dehydration.

Sa post niya ay magkasama ang panganay at bunso nilang si Raya sa hospital bed at napadaan daw ang bunso para bisitahin ang ate nito.

Base sa kanyang post kung saan may litrato ni Raya na natutulog, mukhang ang mister muna ang nagsugod sa ospital sa anak dahil sinabi nitong hinihintay niya ang mister at mapupuntahan niya na ang daughter nila sa ospital.

Sa sumunod na post nito sa kanyang Instagram Story ay sinabi niyang ang sakit daw sa puso na wala siyang magawa. Hindi raw niya maalagaan at makita ang panga­nay nila sa hospital dahil kailangan niyang alagaan ang kanilang bunso na ilang buwan pa lamang.

Kapapanganak lamang niya sa second baby nila ni Rey noong April.

Bilang isang ina ay nahihirapan daw siyang pakinggan ang sigaw nito sa sakit na nakakabaliw raw.

Kaya wala siyang magawa kundi magdasal sa Panginoon na sana maging okay na ang anak.

Nag-alala naman ang netizens at mga kaibigan niya kay Ayesha at hiling din ng mga ito ang mabilis na paggaling niya.

May nagkomento ngang netizen na ganoon din ang nangyari sa anak ng kanyang kapitbahay na may parehong sintomas at dengue raw pala ito na sinang-ayunan din ng ibang netizen.

Pero wala pang sinasabi si Yasmien tungkol sa diagnosis ng doctor sa sakit ng anak.

Kaya kailangan talagang doble ingat na ngayon lalo na ang kabataan dahil uso na ang iba’t ibang sakit dahil din sa panahon.

Parang ganito rin yata ang nangyari sa anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

AYESHA ZARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with