Ang Bagong Bawal Judgmental ng EB

Medyo nadadalas ang guesting ko sa Eat Bulaga lately. (baka ako ‘yung pinakamadaling hatakin!) Kaya naman nung mag-post ako ng teaser na nasa EB Dressing Room ako (na may pa-welcome to Eat Bulaga sa pader!), inakala ng marami na regular host na ako ulit ng longest noontime show. (na-ging regular segment host ako noong araw dyan!) Ang daming nag-congratulate. (so i-manifest na lang!)

Ang totoo, isinalang lang ako sa nagbabalik na segment na Bawal Judgmental. (bilang nuknukan daw akong judger!) ‘Di ko na matandaan kung nakailang beses na ‘kong sumabak sa segment na ‘yan. (pero ‘di ako nagrereklamo ha!) Ang memorable moment ko dyan, ‘yung napaiyak ako sa kwento ng mga participants dahil sa kwento ng mga namaalam nilang mahal sa buhay. (cry me a river talaga ako!) Naalala ko pa, nung pandemya, itinawid namin ang segment via zoom. (kinarir ko rin syempre!)

Last Friday, “the return of the comeback” ang drama ko. (so regular na nga ba?!) Pero medyo binago nila ang konsepto.

Kung dati mahigit sa sampu ‘yung participants na kikilatisin ko, ngayon tatlo lang. Actually, ang sabi ng staff, iba-iba raw ang atake ng Bawal Judgmental depende sa maisipan nila. (bilang mataba naman utak nila!)

Ang importante ay maibahagi ang kwento ng bawat kasali at makapagbigay ng inspirasyon. (na may halong judgment ha!) Kaya medyo hinabaan ang interview portion sa mga nakasalang. (tumu-talk show?!)

Ang nakakaloka sa konseptong naisip nila sa akin ay mga aso. (oo! Aw!Aw! Aw!) Parang tinataon nila talaga na ang celebrity judge ay wala masyadong alam sa tema. (bilang ‘di ako dog lover...pasensya na po!) Tatlong aso na pawang mga aspin ang umenter frame, sina Tootsie, Kai at Lucky, kasama naman nila ang kani-kanilang tagapag-alaga. (shokot ako if walang kasamang tao ang dogs!) Sila ay mga na-rescue na aso at may kanya kanyang kwento, ‘yun ang huhulaan ko. (so nakipagtitigan ako sa mga aso ha!) Masaya kasi sina Bossing Vic Sotto at Henyo Master Sir Joey De Leon ulit ang nakasama ko sa segment. Sina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo naman ang taga interview. (actually full force ang dabarkads, nandun silang lahat kasama si Tito Sen!) May nakakalokang ganap lang ang asong si Kai na habang nakaere ay ‘di napigilang “umeksena” kay Maine. (maalindog si ate kahit sa aso ha! )

Ligwak ako sa paghula at walang naitama. (pero may premyo naman ako ha!) Hindi man ako mahilig sa alagang aso pero dito ko talaga napatunayan ‘yung kakaibang relasyon ng aso sa kanyang tagapagalaga. (parang mas maayos pa sa relasyon ng dalawang tao!)

Siguradong kaabang abang ang mga susunod pa nilang konsepto para sa Bawal Judgmental. (at eto lang ako dabarkads ha! anytime!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

Show comments