^

PSN Showbiz

Gabby, gulat sa gagawin nilang concert tour ni Sharon; walang alam sa mga plano ni KC

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gabby, gulat sa gagawin nilang concert tour ni Sharon; walang alam sa mga plano ni KC
Gabby Concepcion at Sharon Cuneta

Finally, tuloy na tuloy na ang US and Canada concert nina Gabby Concepcion and Sharon Cuneta ngayong October and November.

Nabitin ang kanilang fans sa Dear Heart concert dahil inasahan nilang magkakaroon sila ng Valentine concert pero hindi natuloy.

Last Oct. 27, 2023 ang unang reunion concert nila sa SM MOA Arena na, nasundan sa Cebu at ngayon ay dadalhin na nila finally sa US and Canada.

Eight shows ang gagawin nila. Kabilang dito ang mga sumusunod:

October 26 at Harrah’s Resort Southern California, Oct. 27 at Saban Theatre in California, Nov. 2 at The Meeting House in Canada, Nov. 15 at Thunder Valley Casino Resort in Canada, Nov. 17 at Westgate Las Vegas Resort & Casino in Las Vegas, Nov. 21 at Club Regent Events Centre in Canada, Nov. 23 at Hawaii Convention Center in Honolulu and Nov. 29 at Chandos Pattison Auditorium in Canada.

“Nakakagulat nga, eh. This is my first time na makaka-experience ng ganito karaming shows,” pag-amin ng actor kahapon sa ginanap na pocket interview.

At dahil ang tagal nila, doon na rin siya magbi-birthday. Sa Nov. 5 ang birthday niya.

Pero bakit ba hindi agad ito natuloy?

“Ang mahirap sa lahat ay ‘yungorchestration ng show.

Ang daming involved – venue, producers, musicians, artists.

May kanya- kanya kasing schedule silang lahat.

Eh pagtutugma-tugmain mo sa isang araw.

Napakahirap.

“Kaya hindi rin natuloy ‘yung February (concert), schedule lang talaga saka venue,” paglilinaw pa ng actor kahapon.

May chance bang makasama nila sa nasabing tour si KC Concepcion?

“I was hoping, pero based on the schedule, parang wala sya do’n. It would be nice sana kung kasama siya.”

Maaalalang nakasama nila ang anak sa kanilang MOA concert na kinakilig talaga ng fans nila.

Pero wala siyang idea kung sa bansa na nga maglalagi si KC at hindi na ito babalik sa Amerika.

Anyway, nang kumustahin kung anong ‘relationship’ nila ni Sharon, “well, hindi ko naman inaasahan of course na magiging tulad ng dati pero at least, napag-uusapan namin, nag-uusap na rin kami about certain things na hindi namin napag-uusapan noon.”

Sa ngayon ay excited na si Gabby sa kanilang tour dahil dala nila ang buong banda including his voice coach.

Yup, isa na nga siyang legit concert artist pero aniya hindi niya talaga naisip na mangyayari ito.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with