^

PSN Showbiz

Glydel, tutok sa mga lovelife ng anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Glydel, tutok sa mga lovelife ng anak
Aneeka, Glydel Mercado, at Aneeza

Inamin ng aktres na si Glydel Mercado na takot siya sa pag-aasawa ng mga anak ng mister na si Tonton Gutierrez na sina Aneeza at Aneeka.

Binahagi niya sa programang Fast Talk With Boy Abunda na kahit daw 20 years old na ang anak na si Aneeza ay pakiramdam daw niya ay baby pa rin  ito. Habang ang 12 years old niyang anak na si Aneeka na 5’6 ang tangkad ay para baby pa rin daw niya kahit ang laki-laki na at nagdadalaga.

Wala naman daw siyang bilin sa mga anak dahil hindi naman daw nila napag-uusapan ang boys.

Wala naman din daw siyang nababalitaan kahit sa mga kaibigan nito na laging nag-i-sleepover sa bahay nila na nag-uusap ang mga ito tungkol sa mga lalake.

Nakikinig daw kasi siya sa may pintuan at puro paglalaro lang sa cell phone ang pinagkakaabalahan ng mga ito.

Gayunpaman kahit naman daw magsabi ang panganay nila tungkol sa boyfriend ay hindi naman daw nila ito pakikialaman.

Nagkaka-anxiety pa nga raw siya tuwing umaalis ito ng bahay pero pinayagan nila itong mag-aral sa abroad dahil gusto nilang ibuka nito ang pakpak at lumipad ang anak.

Sa ngayon daw ay sobrang proud siya sa anak. Ang dami raw kasi nitong alam at intelihenteng kausap kaya natutuwa siya.

Nang matanong ang misis ng Widows’ War actor na kung paano kung biglang lumapit sa kanya ang panganay at sinabing magpapakasal na ito.

Isa lamang daw ang hiling ng Shining Inheri­tance actress at ito raw ay gusto raw muna niyang makilala nilang mag-asawa ang lalake.

Ganun. Ang babait naman ng anak ni Glydel kaya sure ako na gagawin nila ‘yun bago makipag-jowa noh.

vuukle comment

ACTRESS

GLYDEL MERCADO

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with