Ken, wanted na?!

Ken Steven Angeles Chan

Ayun na nga, ngayong labas na ang Warrant Of Arrest for Syndicated Estafa kay Ken Steven Angeles Chan, nasaan na siya? Kumusta na talaga siya?

We’re sure na kay Ken ang simpatiya ng mga kasamahan niya sa trabaho. Hayyyy sana hindi na talaga nahuhumaling ang mga kababayan natin sa mga ganitong easy money schemes.

Rein, nakipagsosyo sa Regal

Kakaiba rin ang Regal Films ‘no? Kasosyo sila sa pelikulang The Caretakers with Rein Pictures nina Iza Calzado at Dimples Romana directed by Shugo Praico with Direk Lino Cayetano.

At meron pa silang isang pelikula with Jodi Sta. Maria entitled Untold. Isasali rin kaya ito sa Metro Manila Film Festival?

Bakit ang daming horror films na ginagawa? ‘Yun ba talaga ang gusto ng mga Pinoy?

Duran Duran, ayaw tigilan sa performance sa party ni PBBM

Tinatanong pa rin kung paano nadala ang Duran Duran sa birthday ng ating Pangulo Marcos? Sino kaya ang nag-alay nito sa kanya? Hindi ito mura ha!

Balik na ba tayo sa ganu’ng klaseng paggastos? Paano mababawi ‘yun – in another way?

JK, panay ang workout

Workout kete workout na ngayon si Juan Karlos (JK) ngayon in preparation for his live major concert sa Mall Of Asia sa Nov. 29.

Sinabi ni Sylvia Sanchez na matagal na niyang kinukumbinsi si JK na mag-major concert. Bakit? Paano niya kaya nakumbinsi si JK na finally gawin na ito? Mukhang it’s paying off, hinihintay talaga ito ng mga tao!

Liza, may major ganap sa Hollywood!

At si Liza Soberano, ok naman pala kahit wala na sa Careless Management ni James Reid, bongga rin pala ang projects niya sa Hollywood?

Basta wait and see na lang tayo sa ganaps niya. Major major daw ‘yan.

Nakakataquote:

“I’ll find my true love someday.” – Geneva Cruz

Show comments