Ellen, manganganak na raw talaga?!

Derek Ramsay at Ellen Adarna

Ba’t daw kaya kailangang i-deny nina Derek Ramsay and Ellen Adarna na magkaka-baby na sila?

Confirmed daw talagang may dragon baby ang mag-asawa at malapit na raw talagang manganak si Ellen ayon sa isang source.

Pero ayon sa narinig kong usap-usapan, hindi pa alam ng mag-asawa ang gender ng magiging first baby nila.

Nauna nang sinabi ng semi-retired actor na hindi totoong buntis ang kanyang misis. “Wala pa, wala pa,” sey ni Derek sa panayam niya sa katotong Morly Alinio.

Sabi pa niya, ito na nga lang daw ang kulang sa buhay nila ngayon. “Basta ‘pag bliness na kami ng baby girl or baby boy, ready na ‘ko. ‘Yun lang ang kulang sa buhay ko. But with that said, kahit wala, masaya ako kasi may baby Elias na ako and I have a perfect wife,” saad pa ng aktor.

Ahhh.

Show comments