Naglabas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng kanilang “age-appropriate ratings” para sa mga pelikulang nakatakdang mapanood sa mga sinehan ngayong Wednesday (na sana nga ay maraming manood).
Ang local film na Seven Days ay nakatanggap ng PG (Parental Guidance) rating kaya’t kailangan ng patnubay ng magulang para sa mga batang wala pang 13 years old.
Paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang o supervising adult na “under PG classification, a movie may contain themes, language, violence, nudity, sex, or horror, whose treatment is not suitable for very young audiences.”
Ipalalabas din ang Survive na pinagkalooban din ng rated PG.
Habang ang pelikulang Speak No Evil ay tumanggap ng R-13.
Ang Hellboy: The Crooked Man ng Viva Communications earned the same rating.
Similarly, Usher: Rendezvous in Paris also earned R-13.
Habang ang Strange Darling ay Restricted-16 rating.
MTRCB Chair Sotto-Antonio assured the public that the ratings determined by the Board, are deemed appropriate for viewers of specific age groups.
Hinikayat din ni Chair Lala na maging responsableng manonood ang lahat at gabayan ang mga bata upang maging matalino at may kaalaman sa bagong henerasyon ng mga Pilipino patungo sa Bagong Pilipinas.