Nakakatuwa rin ang BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria na masigasig din sa pag-produce ng pelikula.
Ang laki nitong ginawa nilang Fatherland na dinirek ni Joel Lamangan, dahil talagang star-studded ang cast.
Nang napanood niya ang rough cut ng pelikula, natuwa siya sa kinalabasan. Kaya gusto na niyang gumawa ng isa pang pelikula.
This time, mas malaki at gusto niyang kuning bida ang isang sikat na loveteam.
Miniting na nila ang lead actor na ang bongga pala ang presyo ng talent fee. Doon na lamang umalis na pala si aktor sa dati niyang management team dahil sa malaking changes nito. Parang wala raw kumpiyansa si lead actor sa bagong magma-manage kaya hindi na raw siya nagpa-renew ng kontrata.
Nang nakipag-usap si aktor sa producer at binanggit kung ano ang project, sinabi raw ni aktor na dapat na malaki ang budget. May binanggit daw si aktor ng halaga ng budget ng isang pelikula. Kung gusto talaga nitong gawin ang pelikulang pagsasamahan ng ka-loveteam niya, dapat daw maglaan ng ganun kalaking halaga. Sinagot daw si aktor ni Engr. Austria ng tipong “okay lang sa akin. Sige gawin natin!”
Akala yata ni aktor hindi ganun kabongga ang BenTria Productions na kayang mag-produce ng big-budgeted film.
Pelikula ng makasalanan... uumpisahan na!
Pursigido ang dating Ilocos Governor Chavit Singson sa pagpo-produce ng pelikula at makipag-collaborate sa GMA Pictures.
Naglabasan na sa social media ang contract signing nila at naka-dinner na nila ang ilang artistang magiging kasali sa unang pelikulang gagawin nila.
“Nagpirmahan na kami ng kontrata ni Atty. Annette Gozon, ako ang mag-produce sa lahat na movies na sina-suggest nila. ‘Yung unang i-produce namin yung title, Barkadahan ng mga Makasalanan,” natawang pakli ni Manong Chavit.
Dati ay gusto raw talaga niyang bilhin ang GMA 7, pero hindi na nga ito natuloy.
Pero napag-usapan na raw nila noon pa ni Atty. Felipe Gozon ang mag-partner sa film production. At ngayon nga ay si Atty. Annette Gozon-Valdez na ang kausap niya.
“Matagal na kaming nag-uusap ni Atty. Annette Gozon. Nung isang gabi, nagpunta sa bahay ang mga director, mga gaganap…marami kaming ipo-produce. Iyun na nga ang unang pelikula yung Barkadahan ng mga Makasalanan, pero comedy ‘yun.
“Hindi lang natin matutulungan ang local industry natin na mga artista, pero mahahaluan pa ng mga taga-Korea, like Lee Seung-Gi o Don Lee iyun ang tunay na pangalan,” saad ni Manong Chavit.
Kinakausap na rin daw siya ng mga partner niya sa Korea na gustong mag-invest dito ng film production. Kaya nakikita raw niyang tuluy-tuloy ang pagpo-produce niya ng pelikula kasama ang GMA Pictures.
Ang isa pang narinig naming gagawin nila ay isang malaking pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Alden Richards.
Hindi na nga iniisip ni Manong Chavit kung malulugi siya o kikita siya sa mga pelikulang ipo-produce niya.
“Nalugi na ako nung Miss Universe. Bago ko makuha, sinabi na sa akin. Maganda sa ating bansa, pero baka malugi tayo ng 1M o 2M dollars. Di bale kako kahit 2M basta maganda lang sa ating bansa. Ang laking tulong sa media mileage sa ating bansa.