BGYO, nominado sa Breaktudo Awards sa Brazil; mapapanood sa bagong vlog series

BGYO
STAR/ File

Mula sa kanilang Music by New International Artist nomination sa BreakTudo Awards sa Brazil para sa kantang  Patintero, may panibagong good news ang BGYO sa pamamagitan ng kanilang bagong vlog series na BGYO CANtakeUS tampok ang pasilip sa kanilang fans ng kanilang pagbisita sa iba’t ibang lugar sa North America.

Nasaksihan sa vlog series simula Biyernes (Set. 13), 8 p.m. sa BGYO Official YouTube channel ang paghahatid-saya ng grupo sa US at Canada pati na rin ang kanilang performance sa ASAP Live in California, MYX Presents @ 626 Night Market sa Arcadia, Pistahan Parade sa San Francisco, Wish Bus USA, at Fiesta Filipino sa Calgary, at Fun Philippines sa Toronto, Canada.

Tuluy-tuloy ang pagpasok ng BGYO sa international music scene matapos maka-collab ang Grammy winner at nominee na sina Lostboy at Tele na nagprodyus ng kanilang latest single na Trash. Umani na ito ng mahigit 400,000 views sa YouTube at 350,000 streams sa Spotify. Tampok din ang awitin sa iba’t ibang Spotify editorial playlists tulad ng It’s a Hit! P-pop On The Rise, at  we SEA you.

Show comments