Nasungkit ni Arjo Atayde ang Best Lead Actor award sa ginanap na ContentAsia Awards 2024 sa Taipei kamakailan. Isang malaking karangalan para sa aktor dahil nagbunga ng maganda ang kanyang natatanging pagganap sa Cattleya Killer.
Matatandaang nanalo rin si Arjo bilang Best Actor in a Leading Role sa Asian Academy Creative Awards noong 2020. Nasungkit ng aktor ang naturang award para sa Bagman. “I don’t work for awards. I never did. Still the same things, still the same guy. Just really enjoying what I do. I’m learning especially with the last projects na ginawa ko po. Number one, it’s for us Filipinos. That’s always with me. Number two, it’s always for ABS-CBN. Always thankful to God and family. It’s not just a recognition na, ‘Yes, I did a good job.’ It would always just motivate me to learn more, to be worthy of what they gave, and the importance of pushing,” makahulugang paliwanag ng aktor.
Nangangarap si Arjo na mas makilala pa ang mga Pinoy sa buong mundo dahil sa paggawa ng mga makabuluhang proyekto. Malapit na ring mapanood ang The Bagman at Moonglow na pinagbibidahan ng aktor. “Being with ABS-CBN International, they’ve always targeted going international, and not for selfish reasons, but always to give, maybe a door of opportunity to open to us, Filipinos to be back on top again,” giit niya.
Sarah, single mom na
Mahigit apat na taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Sarah Jane Abad at Jay Contreras. Ngayon ay posible na umanong pumasok ang aktres sa isang bagong relasyon. “Hindi naman natin sasarhan ‘yan, wala pa talaga. Hindi ko na rin siya hinahanap kasi I’m really happy and contented with what I have right now. I have my two kids, I have four dogs, parang wala nang space. ‘Pag dumating, of course. Ayaw ko din naman isara ‘yung puso ko. Wala rin namang hatred. Sabi ko nga, lahat naman maayos. At saka it’s been years, so game na,” pagtatapat ni Sarah.
Dalawa ang naging anak ng aktres at ng bokalista ng bandang Kamikazee. Aminado si Sarah na hindi madali ang responsibilidad bilang isang single mom. “It’s hard raising two kids. Pero ‘yung father naman, si Jay is present sa life nila. Hindi din naman talagang sa ‘kin lahat ‘yung burden. But siguro, ang difference lang with us, kasi parang hindi naman kami in bad terms. We still talk, we still feel like a family. In fact, I’m happy actually. Happy kasi I have the support of my family. ‘Yung dalawang kids ko, they’re grown up now. Hindi na rin ako nahirapan to explain everything,” paglalahad ng nakababatang kapatid ni Kaye Abad.
Maayos ang naging hiwalayan nina Sarah at Jay kaya maganda pa rin ang pakikitungo sa isa’t isa. Palaging nagkakausap ang dalawa para sa kapakanan ng dalawang anak. “Ang key is communication. Talagang pag-uusapan lahat. Maraming struggle ‘yang co-parenting, hindi ‘yan madali for everyone. We feel like we have the same priorities, mga bata. Parang easier mag-compromise,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)