Luchi Cruz-Valdes, hanggang katapusan na lang ba ng buwan bilang Hepe ng News Department ng TV5? Anyare?
Was she forced to resign or nag-early retirement (na dapat next year ang kanyang 65 na mandatory exit)?
Hindi tuloy maiwasang magtanong, may kinalaman ba ito sa delayed na reaction at aksyon niya sa sexual harassment issue sa kanyang kaibigan na kasamahan sa trabaho sa TV5?
Tapos, totoo bang ang TV5 President muna na si Sir Guido Zaballero ang tatayong head pansamantala sa News and Public Affairs ng network?
Paano na ang iiwang show na Budol Alert? Totoo bang nakapag-tape na si Jiggy Manicad bilang kapalit ni LCV? Bakit hindi sa senior anchors ng TV5 na sina Julius Babao o si Cheryl Cosim?
Si Jiggy ba ang favored one sa TV5 news anchor?
Kailangan ng payo ni Luis... Ken Chan, may warrant of arrest na?!
Naku, totoo ba na si Ken Chan – may warrant of arrest? Paano na kaya siya? Kumusta naman kaya ang pamilya niya? Nandito pa ba sila sa bansa? Anong nangyayari ba? Nabudol siya sa isang investment scheme?
Paano ba tayo makakaiwas sa mga ganitong mga masasalimuot na sitwasyon?
Ang tanong tuloy ng iba, paano ba nalampasan noon ni Luis Manzano ang kanyang isyu dati?
Baka naman puwede niyang mapagpayuhan si Ken Chan.
Show ni Carmina, tsutsugiin na?!
Totoo bang matsutsugi na ang Sarap ‘Di Ba? ni Carmina Villarroel and family soon?
Sayang din, ‘di ba? Halos dalawang dekada rin ang itinagal ng show na ito na nagsimula kay Songbird Regine Velasquez pa.
Balitang may bagong cooking show na rin na inaayos ang GMA. Hinahanda na rin daw ang bagong season ng Lolong ni Ruru Madrid. At totoo rin ba ito? Na parang kailangang isalba at ilagay sa Red Alert ang Pulang Araw daw? How true?
Nakakataquote:
“Saging lang ang may puso.” – Lorna Tolentino, as earlier said in a film by Mark Lapid “Wala naman kasing pagkakamali sa pag-ibig.” – Lorna Tolentino