Concert ticket ni Olivia, nasaid kaagad

Olivia Rodrigo.
STAR/ File

Pinoy fans windang

Sabog ang social media kahapon sa ticket selling ng concert ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas na gaganapin sa Philippine Arena sa Oct. 5.

Ito ang kauna-unahang concert sa bansa ng Grammy-winning singer-songwriter sa 55,000-capacity Philippine Arena sa Bulacan.

Pero nawindang ang lahat nang inanunsyo noong Miyerkules ang Silver Star Show sa abot-kayang presyo ng tiket na 1,500 Philippine pesos ($27)na ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa Fund 4 Good organization ni Olivia.

Pila-pila online ha pero as of this writing sold out na raw pero duda nila baka naman nasa mga scalper.

Show comments