^

PSN Showbiz

Janine, kinikilig pa!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine, kinikilig pa!
Janine Gutierrez.
STAR/ File

Kamakailan ay dumalo si Janine Gutierrez sa Venice International Film Festival para sa pelikulang Phantosmia na pinagbibidahan nila ni Ronnie Lazaro. Isang malaking karangalan para sa aktres na mapabilang sa mga artistang naging bahagi ng naturang international film festival sa Italya. “Sobrang I am all the more inspired now. Sobrang pangarap ko mag-Venice and these types of film festivals. When I was there, may fan who flew from the U.S., TFC (The Filipino Channel). To see so much effort, sobrang gano’n din nararamdaman ko na effort,” nakangiting pahayag ni Janine sa ABS-CBN News.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nakarampa sa red carpet premiere ng naturang event. Aminado si Janine na talagang noon pa niya pinapangarap na makadalo sa isang international film festival. “Surreal, ‘yon na pinakamalaking red carpet na nalakaran ko ever. Ang dami kasi mga tao nag-aabang sa red carpet. Nagka-camp out sa Hollywood stars. It was exciting to walk lang with our team,” kwento niya.

Nakatanggap ng standing ovation mula sa mga nanood ang pelikula ni Janine. Si Lav Diaz ang sumulat ng istorya at direktor ng Phantosmia. “Puro Europeans ang audience. Ramdam ko na ang dami tagahanga ni Direk Lav. Thirty minutes in the film, I realized kami lang nakakaintindi. Sila subtitles, the same way we do sa K-drama. Sobrang nakaka­kilig, ang saya na Filipino films pinapanood nila,” pagbabahagi ng aktres.

Ashley, gustong bigyan ng katarungan ang comfort women

Naipakilala na ang karakter na ginagampanan ni Ashley Ortega na si Sister Manuela Apolonio sa Pulang Araw. Sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, Alden Richards at Dennis Trillo ang pangunahing bida ng naturang serye ng GMA. Para sa Kapuso actress ay talagang kaabang-abang ang bawat eksena na kanyang ginawa sa family drama series ng Kapuso network. “Gusto ko talagang bigyan ng justice ‘yung role para sa lahat ng comfort women. ‘Yon na rin ‘yung parang tulong ko sa kanila. Kasi I think it’s about time for their stories to be heard,” makahulugang paglalahad ni Ashley.

Mula sa pagiging isang madre ay magiging comfort woman ang karakter ng aktres, Ayon kay Ashley ay kailangang pakatutukan ng mga manonood ang kwento ni Sister Manuela. “Yes, may sariling story. May mga flashbacks rin kung pa’no siya naging madre. Magugulat na lang din kayo kasi may transition din si Sister Manuel eh,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

JANINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with