Pia, nagpanggap lang na invited sa event ni Carolina Herrera?!
Kinumpara kay Kelsey Merritt
True ba na hindi totoong invited sa Carolina Herrera show sa New York Fashion Week si former Miss Universe Pia Wurtzbach?
As usual, netizens ang nakadiskubre.
Napansin ng netizens na hindi pala video ni Pia ang ipinost niya na may caption na “Color play at the @carolinaherrera runway”
“How can one miss their signature hues, bright yellows and not to mention, the polka dots? “Video @stylenotcom
“@nyfw #NYFW #NYFW24 #CarolinaHerrera #CarolinaHerreraSpring25.”
Wala raw itong video credit nung unang i-post ng beauty queen / actress at inihabol na lang ni Pia.
Hinanapan din siya ng resibo sa nasabing fashion show tulad ni Kelsey Merritt na may souvenir photo sa photo wall ng event ng kilalang fashion designer.
Wala rin daw si Pia sa Bvlgari studio na present naman si Liza Soberano last week eh supposedly, ambassador siya ng nasabing brand.
Awwss, kakaiba talaga ang mga netizen, parang mga imbestigador ng bayan.
Lahat nasisilip ngayon kaya kailangang maging maingat.
Disappointed naman ang followers ni Pia na ganito ang nagiging direction niya sa fashion world kung totoo ito lalo na nga raw at wala na rin naman nga siyang dapat patunayan.
Very unmindful and not very demure raw ang ganito kung totoo ngang kailangang mag-pretend ni Pia na andun siya at nag-post pa ng video na hindi sa kanya para lang masabing invited.
- Latest